May 24, 2025
Cristine Reyes believes in the power of prayers in rebuking evil
Latest Articles

Cristine Reyes believes in the power of prayers in rebuking evil

Apr 5, 2016

Archie liao

by Archie Liao

ELEMENTO PUBLICITY PHOTOS (3)- Cristine Reyes and Albert  Sil
Photo sent by Archie Liao

Nakagawa na ng horror film si Cristine Reyes dahil napanood na siya noon sa “Tumbok” kung saan naging kapareha niya si Carlo Aquino tungkol sa bahay na malas at pinamamahayan ng masamang espiritu. Ngayon naman, nagbabalik siya sa isa na namang pelikulang halaw sa Pinoy folklore na “Elemento” na idinirehe ng award-winning director na si Mark Meily.

Ayon kay Cristine, mas nakakatakot daw ang kanyang bagong pelikula kumpara sa una na niyang ginawa. Kahit noong binabasa pa niya ang iskrip nito ay kinilabutan na rin siyang talaga.

“Maraming makaka-relate rito kasi dahil inspired ito sa Pinoy folklore na nababasa at naririnig natin sa mga kuwento ng ating mga magulang at mga kaibigan. Iyong mga paniniwala natin at pamahiin sa mga katawang lupa at iba pang supernatural creatures”, ani Cristine. Sa totoong buhay, walang kuwento ng kababalaghan na naranasan si Cristine pero noong ikuwento raw sa kanya ni Direk Meily ang tungkol sa anak nito na pinaglaruan ng mga lamanglupa,sinagilahan daw talaga siya ng takot.

“Naiisip ko minsan si Amara kapag naiiwan ko siya sa bahay. Kasi, ina rin siyempre ako at kung nangyari kay Direk, posibleng mangyari rin sa akin”, aniya.

Dagdag pa ni Cristine ang pinakamabuting sandata pa rin sa anumang kinakaharap sa buhay ay ang mga panalangin.

“I believe in the power of prayers. Kahit sino pang kaaway ang kinakaharap mo tao man siya o demonyo, iyong faith mo pa rin ang mabisa mong weapon para labanan sila”, paliwanag ni Cristine.

Tungkol naman sa kontrobersyang kinasangkutan niya sa beteranang aktres na si Vivian Velez, kung saan napabalitang itinaboy raw niya ito mula sa common holding area nila noon na siyang naging dahilan umano para mag-resign ito sa “Tubig at Langis”, aminado si Cristine na marami siyang mga bagay na natutunan sa nasabing insidente.

“Sa nangyari, natutunan ko na minsan, mas mabuting manahimik ka na lang. Mas kilala ako ng mga kaibigan ko at mga nakasama ko sa trabaho. Thankful din ako dahil sila iyong mga taong nagtatanggol sa akin kasama na si Ate (Ara),”sey niya.

Inamin rin ni Cristine na sa ngayon ay malabo na silang magsama sa isang proyekto ng dating Ms. Body Beautiful.

ELEMENTO Poster (1)
Photo sent by Archie Liao

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Direk Mark Meily na ipinagtanggol siya at pinabulaanang  ‘primadonna’ siya at mahirap na katrabaho sa set. Sa “Elemento”, na-excite rin si Cristine dahil balik tambalan sila ng isa sa pinakapaborito niyang

leading man na si Jake Cuenca.

“Dati na kaming nagkasama noon sa “When The Love is Gone” at sa Precious Hearts Romances sa TV kaya, happy ako na reunited ang tambalan namin dito sa “ Elemento”. Ang “Elemento” ay isang supernatural horror drama a supernatural horror drama tungkol sa

isang inang si Kara (Cristine Reyes) na nakaranas ng mga kababalaghan pagkatapos magbalik

ang kanyang anak na si Lucas (Albert Silos) mula sa pagkawala nito sa kagubatan.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply