May 24, 2025
New cast members of Encantadia are being bashed
Home Page Slider Latest Articles

New cast members of Encantadia are being bashed

Apr 6, 2016

Rodel

by Rodel Fernando

Photo grabbed from: www.gmanetwork.com
Photo grabbed from: www.gmanetwork.com

Ipinakilala na ng Kapuso Network ang mga bagong mukha ng pagbabalik sa telebisyon ng pantaseryeng minahal at sinuportahan ng mga Pilipino. Ang seryeng nagpataas ng pamproduksiyong pangtelebisyon at sinasabing kauna-unahang palabas na umani ng maraming papuri sa production value nito.Ito ang isang programang lalong nagpatingkad sa GMA 7 na noong ipinalabas noong May 2005 ay inilalampaso ang mga katapat na programa.

Ang inyong lingkod ay isa sa masugid na tagasubaybay ng Encantadia at nakakabilib nga namang tunay ang buong produksiyon nito mula sa production design, special effects at galing ng mga nagsiganap. Tumatak ang mga karakter nina Amihan (Iza Calzado), Pirena (Sunshine Dizon), Alena (Karylle) at Danaya (Diana Zubiri). Sila ang apat na sang’gre na nangangalaga sa apat na brilyante ng apoy, hangin, lupa at tubig na ang layunin ay ipaglaban ang kanilang kaharian sa mga kumakalaban dito gamit ang apat na brilyante. Mahuhusay silang apat sa kani-kanilang karakter kaya naman mainit ang ginawang pagyakap at pagsuporta ng mga manonood sa kanilang apat. Sa bagong yugto at muling pagbabalik ng Encantadia sa tv ay sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Gabi Garcia at Kylie Padilla ang mga bibida at ngayon pa lang ay naiintriga na ang mga ito. Bakit daw sila ang mga napili samantalang marami naman daw deserving sa mga

Photo grabbed from: youtube.com
Photo grabbed from: youtube.com

iniwang karakter nina Iza, Karylle, Diana at Sunshine. Sana man lang ay kinonsider sina Rhian Ramos, Max Collins at Janine Gutierrez para mapabilang sa mga cast. Mas okey sana kung napili ang tatlong ito dahil mala -Diyosa at diwata ang kanilang kagandahan na swak na swak sa mga papel na Sang’gre. Anyway, sa mga napiling sina Glaiza de Castro , Kylie Padilla, Gabi Garcia at Sanya Lopez ay goodluck na lang sa inyo. Marahil, minabuti ng Kapuso na tulungan ang mga baguhang artista nila.
At sigurado namang pagbubitihin ng mga ito ang malaking responsibilidad sa mga napakalaking papel na kanilang gagampanan sa seryeng nagbigay ng ibang mukha sa tv industry.

Leave a comment

Leave a Reply