June 9, 2025
Mara Lopez defends Direk Jay Altarejos over allegations of physical abuse
Home Page Slider Latest Articles

Mara Lopez defends Direk Jay Altarejos over allegations of physical abuse

Apr 7, 2016

Archie liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Naging usap-usapan noon ang reklamo ng actress na si Dalin Sarmiento kay Jay Altarejos kaugnay ng pananakit daw ng kontrobersyal na director sa kanya sa set ng pelikulang T.P. O. (Temporary Protection Order) , dating In Saecula Saeculorum, na kalahok ngayon sa 2nd Sinag Maynila film festival.

Dahil umano sa gustong maging makatotohanan  ni Direk Jay Altarejos ang mga eksena , inakusahan ni Sarmiento ang director ng pananakit sa kanya sa proseso nito ng pagmo-motivate sa kanya sa immersion niya sa nasabing role bilang battered wife.

Nakakuha ng simpatiya sa mga kasamahan sa teatro si Sarmiento at maging sa Gabriela. Nai-file ang reklamo sa Directors’ Guild of the Philippines kung saan miyembro si Altarejos pero wala itong naging malinaw na resolusyon dahil ayon kay Altarejos ay wala namang kasong isinampa sa kanya.

Tapos na ang pelikula at pinalitan ng award-winning sexy actress na si Mara Lopez sa naturang pelikula.

Kaugnay nito, kinapanayam namin si Mara tungkol sa naging karanasan niya kay Direk Jay.

May kaparehas ka bang karanasan kay Direk Jay tulad ng naging traumatic experience umano ni Sarmiento?

“Marami na rin ang nagtanong sa akin niyan. In fairness kay Direk Jay, he’s a very responsible director. Hindi niya sisirain ang kanyang pangalan dahil lang doon. Lahat ng mga sugat o pasa ko ay galing sa jujitsu”, sey niya. “Iyong nangyari sa kanila ni.Sarmiento, si Direk na rin ang nagkuwento sa akin”, pahabol niya.

Sa Intense director raw si Jay Altarejos. Wala bang pagkakataon na sa pagmo-motivate niya sa iyo sa mga eksena ay nasaktan ka?

“All of the directors naman na nakatrabaho ko ay intense dahil gusto nilang mapaganda ang mga pelikulang ginagawa nila. Gusto nilang maging makatotohanan ang mga eksena. Pero, ibang usapan na kung sasaktan ako”, aniya.

mara lopezAyon pa kay Mara, wala siyang bad experience kay Direk Jay.

“Actually, marami pang naka-lineup na pelikula kaming gagawin”, kuwento ni Mara.

Nakaka-relate ka ba sa role mo rito sa T.P.O. bilang isang battered woman?

“May mga friends ako na may kaparehong karanasan. I just feel I am blessed to be a representative of women who were victims of domestic violence and physical abuse.   

Ang T.P.O ay ikalawang installment sa trilogy ni Direk Jay tungkol sa domestic violence. Willing ka bang lumabas sa third installment nito?

“I think so. Wala namang problema sa akin kay Direk”.

Isang beauty queen ang mother mo na si Maria Isabel Lopez. May mga plano ka bang sundan ang yapak niya at sumali sa mga beauty pageants?

“Wala. Iba talaga ang path na gusto kong tahakin. I’m into sports and surfing especially pag wala akong tapings o shootings. Pero, right now, I enjoy hosting  dahil ako na ang pinabagong host ng “Game Plan”.

Gusto rin ni Mara na magtrabaho sa likod ng kamera. Katunayan, assistant director siya ni John Torres sa dokumentaryong ginagawa nito.

Kabituin ni Mara Lopez  bilang assistant diiwala  siguro ako rito kung hindi naman siguro ako narito kung .

Papel ni Teresa, isang battered wife ang ginagampanan ni Mara sa “T.P.O.”.

Kabituin niya rito sina Oliver Aquino, Micko Laurente, Menggie Cobarrubiasa sat Lui Manansala.

Kalahok sa 2nd Sinag Maynila filmfest, ito ay mapapanood mula Abril 21 hanggang 26 sa mga piling SM cinemas.

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

 

Leave a comment

Leave a Reply