
Enchong Dee wants to be known as a global actor
by Archie Liao

First time sumali ng Kapamilya hunk actor na si Enchong Dee sa Sinag Maynila film festival. Nakatakda siyang mapanood sa “Lila”, isang psychological horror film, na kalahok sa ikalawang edisyon ng Sinag Maynila. Bakit ka sumali sa Sinag Maynila film festival?
“Noong malaman ko kasing may offer sa akin sa Sinag Maynila, I said yes kasi magiging parte ako ako ng festival ni Direk Dante at ng favorite director kong si Direk Gino. Piling-pili lang kasi ang mga projects na ginagawa ko. Pag nani-name drop ang pangalang Brillante Mendoza, di ba napakalaking prestige noon para sa akin bilang actor, so tinanggap ko siya”, aniya.
Ano ang kaibahan ng “Lila” kumpara sa horror film na nagawa mo na tulad ng “The Strangers”?
“It’s more of psychological problems ng mga characters. Ibang-iba siya, dahil hindi mo inaakala ang mga twists”, paliwanag niya. Tell me about your role in the movie. “I play the role of Janine’s cousin. Para ako iyong nagdala kung saan nangyayari iyong lahat
kung saan magkikita kaming tatlo noong mga characters”. First time mong makatrabaho si Janine Gutierrez. How would you describe Janine bilang katrabaho?

“Actually, natutuwa ako sa kanya. Dati-rati napapanood ko lang siya as kabilang istasyon pero ngayon nakasama ko na siya. Hindi ko nga akalain na this is her first movie dahil akala mo datihan na siya at ang galing niya rito for her first”, pagbabalita ni Enchong. Excited din si Enchong dahil sa indie film na “Lila” ay nagkaroon ng katuparan ang pangarap niyang makatrabaho ang talents ng ibang networks tulad ni Janine na naging posible lang sa indie film nila..“Lila”. Ano ang kaibahan ng pagtratrabaho sa mainstream at sa indie?
“Malayo ang mainstream sa indie. Mas malawak ang indie. Iba iyong discipline. Iyong karakter, at iyong requirements ng karakter, malawak. Talagang dapat mong aralin ang pag-arte, iyong background ng character mo pati na iyong discipline mo bilang actor”. Nasa bucket list mo ba ang paglabas sa isang indie film tulad ng “Lila”? “Oo naman. Sinasabi ko nga sa production, tuparin naman nila iyong pangarap na mag- international filmfest ako.”
Pangarap mo bang makadalo sa mga international filmfests?
“Lahat naman ng actor, nangangarap na makadalo sa mga prestihiyosong filmfests at makilala globally at siyempre mag-uwi ng karangalan para sa bansa na isang napakalaking achievement kahit kanino”, pagwawakas ni Enchong. Hopeful si Enchong na ang kanyang pagsabak sa indie films ang magiging pasaporte para makagawa siya ng pangalan hindi lang sa bansa kundi sa iba’-ibang panig ng mundo.

Abala rin si Enchong sa kanyang adbokasya na “Handog Palangoy ni Enchong” na nagbibigay
ng free swimming lessons sa mga indigent kids at iba pang out-of school youth.
Kabituin ni Enchong sina Janine Gutierrez, Sherry Lara, Miggs Cuaderno, Kate Alejandrino at
Socrates Jose sa “Lila” na mula sa direksyon ng magaling na director na si Gino Santos ng “The
Animals”, “#Y”, “Island of Dreams” at “Ex With Benefits”.
Ang “Lila” ay kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival at mapapanood sa piling SM Cinemas
mula Abril 21 hanggang 26.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.