May 24, 2025
Ryle Santiago
Latest Articles

Ryle Santiago

Apr 11, 2016

Rommel_Placente

ryle santiago 2
Photo sent by Rommel Placente

by Rommel Placente

Kaya naman pala magaling sumayaw si Ryle Santiago, isa sa members ng #Hashtags ay dahil noong bata pa lang siya ay sumasayaw na siya.

“Lahat po ng event sa school namin nung grade 7 ako sumasayaw ako . Tapos, nagko-choreo rin ako sa school namin,”sabi ni Ryle

Isa sa inaabangan ng fans si Ryle sa #Hashtags dahil nga sa husay niya sa pagsasayaw. Kinikilig ang fans ng grupo nila sa kanya kapag nakikita na siyang sumasayaw sa It’s Showtime, kung saan ay regular performers sila rito.

“Ibinibigay ko po kasi talaga ‘yung best ko kapag sumasayaw kami sa tv. As much as possible, inaayos ko po talaga yung craft ko sa pagsasayaw.

“Nagagalit na nga sina mama sa akin kasi araw-araw na kaming nagsasayaw sa It’s Showtime, tapos gusto ko pa pong mag-work-shop. Ayaw na nila kasi bugbog na raw ang katawan ko sa pagsasayaw baka magkasakit na raw ako,”

Bukod sa pagsasayaw ay mapapanod na ring kumakanta ang Hashtags dahil may ginagawa silang album ngayon.

“Probably baka next month na iri-release yung album namin. May mga old songs po kami na ni-revive, so abangan po nila yun, magaganda po yun”

Photo grabbed from: IG @rylepaolotan
Photo grabbed from: IG @rylepaolotan

Hindi pa alam ni Ryle kung anong magiging title ng kanilang album. Wala pa raw kasing sinasabi sa kanila.

May balita na may mawawala o aalis na raw sa grupo nila, how true?

“Wala pa pong advice sa amin na may mawawala sa grupo. As much as possible po sana, kaming eleven members magtagal na magkakasama. Pero hindi rin po maiiwasan na baka may mawawala. kasi yung iba may teleseryeng ginagawa,”

Sa ngayon ay wala pang girlfriend si Ryle. Focus muna siya sa kanyang showbiz career. Pero ano ba ang katangiang hinahanap niya sa isang babae?

“Shorter than me, tisay, chinita at malambing.”sagot niya

Leave a comment

Leave a Reply