May 22, 2025
Brillante Mendoza set to compete in 2016 Cannes filmfest
Latest Articles

Brillante Mendoza set to compete in 2016 Cannes filmfest

Apr 15, 2016

Archie liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Pagkatapos manalo ng best director sa Cannes International filmfest noong 2009 sa kontrobersyal na pelikulang “Kinatay”, balik na naman ang award-winning at internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza sa nasabing prestihiyosong filmfest. Pasok ang kanyang pelikulang “Ma’Rosa”(Mother Rosa) sa main competition ng 69th Festival de Cannes na gaganapin mula Mayo 11 hanggang 22 sa France.

Kontrobersyal din ang mga bida rito na binubuo ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann. Kasama rin sa cast sina Julio Diaz, Jomari Angeles at Felix Roco. Mula sa panulat ni Troy Espiritu, ang “Ma’Rosa” ay tungkol sa kuwento ng mga taong naninirahan sa isang convenience store sa slum area sa Maynila. Magiging katunggali ni Mendoza ang mga pelikulang Agassi ni Park Chan-Wook, American Honey ni Andrea Arnold, Aquarius ni Kleber Mendonca Filho, Bacalaureat ni Christian Mungiu, Elle ni Paul Verhoeven,I, Daniel Blake ni Ken Loach, Julieta ni Pedro Almodovar, Juste La Fin Du Monde ni Xavier Dolan, La Fille Inconnue nina Jean-Pierre Dardenne at Luc Dardenne, The Last Face ni Sean Penn, Loving ni Jeff Nichols, Ma Loute ni Bruno Dumont, Mal De Pierres ni Nicole Ortega, The Neon Demon ni Nicholas Winding Refn, Paterson ni Jim Jarmusch, Personal Shopper ni Olivier Assayas, Rester Vertical ni Alain Guiraudie, Sieranevada ni Cristi Puiu at Toni ni Erdmann ni Maren Ade. Walang Pinoy entry sa Un Certain Regard section ng Cannes kung saan naging nominado rin ang Taklub (The Trap) na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbidahan ng Superstar na si Nora Aunor noong nakaraang taon.

Ang mga pelikulang maglalaban sa Un Certain Regard ng Cannes ngayong Mayo ay ang After The Storm ni Kore-Eda Hirokazu, Apprentice ni Boo Junfeng, Caini ni Bogdan Mirica, Captain Fantastic ni Matt Ross, Esthebak ni Mohamed Diab, Fuchi Ni Tatsu ni Fukuda Koji, Hymyileva Mies ni Juho Kuosmanen, La Danseuse ni Stephanie Di Giusto at La Larga Noche De Francisco Sanctis nina Francisco Marquez at Andrea Testa, La Tortue Rouge ni Michael Dudok De Wit, Me’ever Laharim Vehagvaot ni Eran Kolirin, Omor Shakhsiya ni Maha Haj, Pericle Il Nero ni Stefano Mordini, The Transfiguration ni Michael O’Shea, Uchenik ni Kirill Serebrennikov,

Varoonegi ni Behnam Behzadi, at Voir Du Pays nina Delphine Coulin at Muriel Coulin.

Si Brillante Mendoza ang festival director ng Sinag Maynila film festival na mapapanood na

mula Abril 21 hanggang 26 sa mga piling SM Cinemas.

Leave a comment

Leave a Reply