May 22, 2025
Marian Rivera Susuportahan si Leni Robredo sa Darating na Eleksyon
This is it!

Marian Rivera Susuportahan si Leni Robredo sa Darating na Eleksyon

Apr 18, 2016

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Photo grabbed from: IG @therealmarian
Photo grabbed from: IG @therealmarian

Sa isang interview ni Marian Rivera ay inihayag niya na, na ang at iboboto niyang Vice President sa darating na eleksyon sa May 9 ay si Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo. Napanood niya kasi si Congw. Leni sa Vice Presidential debate at pinahanga siya nito.

“Sa debate naliwanagan ako sa kani-kaniyang mga pananaw ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente. Dahil diyan, lalong tumibay ang aking paniniwala na si Congresswoman Leni Robredo ang susuportahan ko,”sabi ni Marian.

Ayon pa kay Marian, bilib din siya sa pagiging tapat ni Leni sa pagbibigay ng serbisyo publiko. Matagal na raw itong nasa public service bago pumasok sa pulitiika at sa mga panahon daw na yun ay hindi nabahiran ng katiwalian ang record at character nito.
Well, hindi kaya ang dahilan kung bakit very vocal si Marian sa pagsasabing ang boto niya ay para kay Congw. Leni ay dahil gisto lang nitong asarin si Heart Evangelista? Hangang ngayon kasi ay balitang nagpapatutsada pa rin sa kanya si Heart kahit nagkaayos na sila nito? Ang mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero ay tumatakbo rin bilang Bise Presidente ng ating bansa.


IMG_6143 copy
Photo sent by Rommel Placente

Bongga ang tinanghal na Asia’s Got Talent 3rd Placer na si Gerphil Flores dahil hindi na maawat ang pag-imbulog niya sa international scene. Isinama siya ng hollywood composer na si David Foster sa tour ng David and Friends sa ibat’-ibang bansa na ang pinakahuli ay sa Bangkok, Thailand.
Ayon kay Gerphil, kinausap na siya ni David regarding sa kanyang magiging career abroad pero ‘di pa siya maka oo dahil na rin sa gusto nitong makatapos muna ng pag aaral kung saan ay running siya for cumlaude or magna cumlaude sa kanyang kursong kinuha na Bachelor of Music sa UP Diliman.
After Graduation daw ay makaka focus na ng 100% si Gerphil sa kanyang career . Bukod sa pag awit ay balak din ni Gerphil na subukan ang mapasama sa isang Broadway Musical Play kung mabibigyan siya ng pagkakataon .
Ang magaling at mabait na abogadong si Atty Ferdinand Lopez ang tumutulong sa career ni Gerphil. This year ay plano ni Atty. Ferdie na i-produce siya ng album at concert.

Leave a comment

Leave a Reply