
Coming from a political clan, Denise Laurel shies away from politics
by Archie Liao
Hindi talaga professional singer si Denise Laurel pero may ibubuga naman siya pagdating sa pagkanta.
Malaki rin ang nagawa ng kanyang pagsali at exposure sa season 2 ng Your Face Sounds Familiar para maragdagan ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili.
Suwerte rin siya dahil siya ang tinanghal na kampeon sa natatanging singing celebrity impersonation contest ng Kapamilya network.
Paano binago ng pagkapanalo mo sa Your Face Sounds Familiar ang buhay mo?
“I will never forget that big moment in my life. It opened new doors for me. Naging mas inspired ako sa aking trabaho. It inspired me to work harder and to trust that God has a plan for us”, aniya.
Maraming nagsasabi noon na may mas deserving pang manalo sa iyo sa Your Face Sounds Familiar. Ano’ng masasabi mo rito? “That’s true. Actually, I am a big fan of the people that I impersonate pati na iyong mga kasamahan ko sa Your Face na ang iba ay professional singers na talaga. Pero, iyong iba, nagsasabing nanalo raw ako dahil sa anak ko who I consider as my lucky charm”, sey niya.
You’re the granddaughter of late former Vice President Salvador Laurel and theater stalwart Celia Diaz Laurel, wala ka bang balak sundan ang yapak ng lolo mo sa pulitika?
“Wala. Kasi, I believe naman na hindi mo kailangang nasa politics ka para makatulong at makapagsilbi ka sa mga tao”, paliwanag niya.
Hindi na active sa politics ang political clan ng mga Laurel. Wala ba among your family na balak ipagpatuloy ang nasimulan ng inyong Lolo?
“In our family, we believe kasi that you don’t have to have a government or elective position to help. We grew up knowing that “ ang bayan higit sa lahat, bago ang sarili”. That was the legacy of my grandpa who’s the unifying force behind the United Nationalist Democratic Organization or (UNIDO), the party that helped topple the dictatorship in 1986. It also gives protection and legal aid to people who can’t afford to hire lawyers in the Philippines”, pahayag niya.
Are you pro or against political dynasties in the Philippines?
“I’ve nothing to say about that. We are influenced by our parents and when you see that your family is passionate about something, it becomes important to you and it becomes part of your advocacy”, deklara niya.
Papel ng isang abogado at Migrante officer ang role ni Denise sa pelikulang “Magtanggol” na mapapanood na simula sa Mayo 18 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.
Paano ka naghanda sa role mo bilang lawyer sa pelikula?
“Nag-consult kami sa workers’ group. I spoke with Migrante officers and heard their stories. On the set naman, they have somebody present to advise us para maging realistic ‘yung portrayal namin”,balik-tanaw niya.
Ayon pa kay Denise, tuloy-tuloy na ang kanyang singing career pagkatapos na ma-discover siya sa Your Face Sounds Familiar.
“I have a recorded an album na iprinudyus ko. I have five songs in it and hopefully, ma-release na siya soon”, pagwawakas niya.
Ibang experience para kay Denise ang pagkakasama niya sa pelikulang “Magtanggol” na idinirehe ni Siegfried Barros-Sanchez mula sa kuwento ng investment banker turned producer na si Jojo Dispo.
“The movie is a tribute to OFWs, an gating mga bagong bayani. Political thriller siya pero isa siyang eye opener na pupukawin ang ating pagiging Pinoy. Tampok din sa “Magtanggol” sina Tom Rodriguez, Ejay Falcon, Dina Bonnevie, Joonee Gamboa, Yam Concepcion, Kim Domingo, Albie Casino at marami pang iba.