May 23, 2025
Vina Morales breaks silence on child custody battle with her ex
Faces and Places Latest Articles

Vina Morales breaks silence on child custody battle with her ex

Jun 16, 2016
by Archie Liao
by Archie Liao

Masayang ibinalita ni Vina Morales na nakapag-move on na siya sa kanyang tumultuous relationship sa controversial estranged partner na si Cedric Lee.

 

“I’m seeing somebody right now and I think in God’s time, ibibigay  din niya  kung sino ang destined sa akin. If  we are meant to be, mangyayari at mangyayari iyon kung talagang nakatadhana”, aniya.

 

Hindi rin itinago ni Vina na tuloy pa rin ang usapin nila ni Cedric hinggil sa kustodiya ng kanilang anak  na si Ceana.

Pumutok kasi ang balitang balak siyang sampahan ng kaso ng ilang counts of libel ni Cedric dahil sa naging pahayag niya na sapilitang idinetain ng kanyang ex ang kanilang unica hija na isa raw  paglabag  sa visitation agreement nila pagdating sa anak.

 

“Kilala naman ninyo ako. I’m a fighter. I’m a survivor, so laban lang nang laban. Basta, sa kapakanan ng anak ko ang pag-uusapan ay talagang ilalaban ko”, matapang niyang pahayag.

 

Dagdag pa ni Vina, nakahanda siya sa anumang kahihinatnan ng motion na nai-file ng magkabilang kampo na naghihintay ng resolusyon sa korte.

 

“Hindi naman mangyayari iyon kung walang nangyari. Nangyari iyon dahil may ganoong situwasyon at hindi lang gawa-gawa. Nanggaling iyon sa korte. He was cited for contempt for violating the terms of the visitation agreement,” esplika niya.

 

Ayon pa kay Vina, naglabas siya nang saloobin at napilitang magsalita hindi para sirain ang  ama ng anak niya.

 

“30 years na ako sa showbiz at wala kayong nabalitaan na nang-isa ako o may siniraang tao. Naglalabas lang ako ng saloobin ko at wala akong balak na siraan siya. Kahit naman sinong ina, hindi matitiis lalo na’t na-traumatize na ang anak niya”.

 

Naging isyu rin kamakailan ang ginawang pag-post ni Vina ng picture ni Robin sa kanyang social media account na ipinalagay ng mga netizens na paghingi ng saklolo sa kanyang ex na si Robin Padilla.

 

“Natural lang naman sa akin iyong mag-post ako kung ano man ang nararamdaman ko at wala namang masama kung  mag-express  ako ng feelings ko dahil account ko iyon. Minsan nga, iyong kay Duterte tapos  I just come across doon sa picture ni Robin. Pero, wala siyang ibig sabihin dahil ako Bisaya ako. Kung bugoy ka, mas bugoy ako sa imo. Kaya siguro, nasabi ko na sige, isusumbong kita sa utol kong hoodlum. Iyong iba nga, nakyutan pa roon da ipinost ko.

 

Photo Credits: http://www.instagram.com/vina_morales
Photo Credits: http://www.instagram.com/vina_morales

Nagpapasalamat naman si Vina dahil sa suporta ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanyang kasalukuyang pinagdaraanan.

Pagkatapos mapanood sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?”, balik-teleserye si Vina sa kiligseryeng “Born for You” ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na nagtatampok sa tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Papel ng ina ni Sam (Janella) na isang dating aspiring singer na may nakaraan sa ama ni Kevin (Elmo) ang papel ni Vina sa “Born for You” na magsisimula nang umere sa Hunyo 20, Lunes sa Kapamilya primetime block pagkatapos ng “Dolce Amore”. 

Leave a comment

Leave a Reply