May 22, 2025
Sandino Martin recounts his experience as a dog shooter
Latest Articles Movies T.V.

Sandino Martin recounts his experience as a dog shooter

Jun 24, 2016

Archie liao

by Archie Liao

ringgo the dog shooterMahirap at madali para sa award-winning actor na si Sandino Martin ang kanyang role bilang dog shooter sa pelikulang “Ringgo, the Dog Shooter” ni Rahyan Carlos.

“Mahirap siya dahil ang tagal minsan ng aming paghihintay para lang ma-perfect iyong mga eksena sa set. Kailangang itaon namin at itiyempo na iyong aso is in heat para mai-shoot iyong ari ng male dog doon sa female dog na bubuntisin niya”, aniya.

Nakatulong ba sa iyo ang pagiging pet lover mo para maka-relate ka sa role mo as a dog shooter?

“Nakatulong siya. In-embrace ko siya with open arms. Mahilig din talaga ako sa pet . Noong nagtre-train ako bilang dog shooter, hindi na ako nahirapan dahil sanay na akong hunawak at magpaamo ng aso, and I love doing something close to my heart which is related sa mga aso”, paliwanag niya.

Naging meticulous ang training mo as a dog shooter. Sa proseso ba ng pelikula, natuto ka bang mag-dog shoot?

ringgo stills 1“I guess. Iyon ngang manager kong si Ricky (Gallardo), tinawag ako na mag-dog shoot ng kanyang pet. Pero I don’t think na naging successful or maybe I miss something. Hindi naman kasi ako isang professional, pero, nai-shoot ko rin iyong pinagme-mate namin at  iyon ang mahalaga”, kuwento niya.

Habang ginagawa mo ang pelikula, kailangan mong makipag-bond kay Inca, na isang Doberman. Kumusta ang karanasan mo sa kanya?

“At first, nahirapan ako. I’m used kasi sa small dogs. It’s a bit scary kasi isa siyang Doberman, tapos ang laki pa niya. This dog doesn’t  even take commands from a stranger, so I have to find the common ground. I have to mirror myself with the owner.  Then, I have to do basic commands na kailangang gawin like to teach him how to sit or stand up. Ang ginawa ko na lang in-imbibe ko iyong character noong trainor niya”, sey ni Sandino.

sandino martin in ringoAno ang natutunan mo sa pakikipagtrabaho kay Inca, the Doberman?

“During mating, nahihiya rin pala sila kapag maraming tao. Noong nag-me-mating iyong dalawang aso, hindi naging mahirap kapag kokonti lang ang tao. Pero, noong malaki ang crowd na nanonood, ayaw noong male guy na mag-respond so ang ginawa namin, nagbawas kami ng tao para gumana lang at para tumigas ang ari noong aso”, pagbubunyag niya.

16 years old ang papel mo rito. How did you manage to look like a 16 year old?

“Nagpa-blonde ako ng hair. Nagpapayat, biglang tumaba. Noong ginagawa namin iyong pelikula, I even had dengue so my fever was so high, that  sometimes kailangan kong umuwi ng maaga pero natapos naman namin iyong pelikula nang walang ‘delay’, ani Sandino.

Ano ang mensahe ng pelikula?

“Ang gustong ipakita sa pelikula ay sino ba ang mas masahol: ang tao o ang hayup? O mas hayup ba ang hayup o mas hayup ang tao kesa sa hayup”, pagwawakas ni Sandino.

Kabituin ni Sandino si Janice de Belen na gumaganap na dog breeder sa pelikula.

Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Liza-Dino Seguerra, Bodjie Pascua, Rubi-Rubi at maraming iba pa.

Ang “Ringgo:The Dogshooter” ay kalahok sa Filipino New Cinema division ng 2016 World Premieres Film Festival na idaraos mula sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 10 sa  Cinematheque Centre Manila, Ayala Cinema, Uptown Cinema, SM North Edsa, SM Megamall, Greenbelt 3 Cinema, at Shang Cineplex.

Ito ay pinamahalaan ni Rahyan Carlos, ang training head ng Star Magic talent center  sa ABS-CBN at siya ring direktor ng mga obrang  “Pi7ong Tagpo”, “Hide and Seek” at “Pamahiin”.

Ang iskrip ng “Ringgo:The Dog Shooter” ay sinulat ng multi-award winning screenwriter at Gawad  Plaridel awardee  na si Ricky Lee

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply