May 22, 2025
Prince of Ballad Gerald Santos wants to stay grounded
Faces and Places Latest Articles Music T.V.

Prince of Ballad Gerald Santos wants to stay grounded

Jun 30, 2016

Archie liao

by Archie Liao

memory channelKung ang isang bagay kang maipagkakapuri sa Prince of Ballad na si Gerald Santos, ito ay ang kanyang kababaang-loob. Naniniwala kasi siya na anuman ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon, ito ay utang niya sa mga taong sumusuporta sa kanyang career.

“Di ba dapat lamang po na ganoon ang attitude, laging grounded kasi kung wala po ang mga fans ko at mga supporters pati na iyong mga tumulong at patuloy na tumutulong sa career ko, wala po ako”, aniya.  

Ayon pa kay Gerald, malaki rin ang pagpapahalaga niya sa magandang ugali ng mga Pinoy na pagtanaw ng utang na loob.

“Lagi po kasing ipinapaalala ng parents ko at ng manager ko na dapat ay hindi lalaki ang ulo at marunong makisama. Dapat daw pong marunong lumingon sa pinanggalingan at hindi nalulunod sa tagumpay”, paliwanag niya.

Kung may isang pangyayari raw na nakatakdang maganap, hindi niya nanaisin na matulad siya sa kanyang  karakter na nagkaroon ng retrograde amnesia.

“Ayoko pong kalimutan ang mga taong mahalaga sa buhay ko, lalo na iyong mga nagmamahal sa akin na naging malaking bahagi ng patuloy ko pong pag-e-evolve as an artist. Gusto kong maging bahagi sila ng journey ko”, sey niya.

gerald santosSa kanyang pagsabak sa pelikula, muling pinanindigan ni Gerald na isa siyang versatile artist.

“Noong una, nanibago po ako dahil sabi ko hindi ko ito medium kasi ang linya ko ay recording, concerts at teatro, pero dahil magaling ang director ko, nailabas niya iyong other side ko. I hope na nabigyan ko po ng justice iyong role ko”, bulalas niya.

Papel ni Leo La Torre, isang dating singer na nagkaroon ng retrograde amnesia na nagti-trigger ng anxiety o panic attacks ang role ni Gerald sa kanyang unang pelikulang “Memory Channel”.

Ano ang paghahandang ginawa mo sa pagpo-portray mo ng iyong role sa “Memory Channel”?

“Gumawa po ako ng sarili kong research. Iginuide din po ako ni Direk Raynier (Brizuela) at ipinaliwanag niya kung paano ko bibigyan ng tamang atake ang role ko at bilib po ako sa kanya dahil sa galing niyang mag-motivate ng kanyang mga actors”, pagtatapat ni Gerald.

Aminado si Gerald na kinabog din siya noong maka-eksena si Epy Quizon na lumalabas na psychiatrist na tumulong sa kanya na maibalik ang kanyang memorya at ma-overcome ang kanyang panic attacks.

“Na-intimidate po ako sobra kasi award-winning actor po siya at ang galing niya bilang Mabini sa “Heneral Luna”, so medyo na-conscious po ako pero dahil sa sobrang bait niya, nawala iyong kaba ko at naging kumportable kasi nga napaka-supportive niya sa akin. Nagbibigay din po siya ng suggestion kung paano mapapaganda iyong mga eksena”, pagwawakas niya.

Ang “Memory Channel” ni Raynier Brizuela ay isa sa mga anim na kalahok sa Filipino New Cinema Division ng 2016 World Premieres Film Festival na gaganapin mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 10 sa mga piling sinehan sa kalakhang Maynila.

Bukod kay Epy, kasama rin sa cast sina Bodgie Pascua, Patrick Patawaran, Arvy Viduya at Michelle Vito.

Malapit na ring mapanood si Gerald sa “San Pedro Calungsod: The Musical” na idaraos sa Hulyo 29 sa  Star Theater sa Star City Complex, Manila kasama sina May Bayot at Kuya Manzano. Ito ay sa direksyon at libretto ni Antonino Rommel Ramilo.

Tapos na rin ni Gerald ang docu-film na “Emilio Jacinto:Utak ng Katipunan” ng Legit Entertainment na iprinudyus ng National Historical Commission at idinirehe ni Pat Perez.

Bilang bahagi naman ng pagdiriwang ng kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz, magdaraos si Gerald ng kanyang TENacity concert sa Septiyembre 24 sa SM North Edsa sa Skydome sa ganap na alas-7 ng gabi kasama sina Morisette at iba pang kilalang artists.

Bago pa man namayagpag ang kanyang career, si Gerald ay tinanghal na grand champion ng reality singing search competition na “Pinoy Pop Superstar” (Season 2) noong 2006 sa GMA 7..

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply