
Urian award winning actress Fe Hyde champions Mindanaoan cinema
by Archie Liao
Balik pelikula ang Urian award-winning actress na si Fe Hyde sa pelikulang “Daughters of the Three Tailed Banner (moro2mrw book 1) na kalahok sa main competition ng ongoing 2016 World Premieres Film Festival na idinaraos sa bansa mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 10, 2016.
Ito ay pinamahalaan ng acclaimed Mindanaoan director na si Teng Mangansakan.(Qimayah, Cartas de la Soledad, Limbunan,Obscured Histories and Silent Longings of Daguluan’s Children)
Si Fe ay nanalo bilang best actress sa Gawad Urian noong 2010 para sa kanyang makabuluhang pagganap sa pelikulang “Sheika” kung saan ginampanan niya ang papel ni Bai Fatmawatti, isang inang Muslim na namatay ang mga anak sa giyera sa Mindanao.
Hindi rin malilimutan ang kanyang pagganap dito dahil siya ang kauna-unahang aktres na nagpakalbo para lamang sa kanyang papel sa nasabing pelikula ni Arnel Marduquio.
Na-miss mo ba ang paggawa ng pelikula?
“Oo naman. 17 years na akong nakatira sa Dubai. Umuuwi lang ako kapag may mga ganitong proyekto akong ginagawa tulad ng Moro2morrow”, ani Fe.
Ikaw ang nagpro-prodyus ng mga pelikula mo. Bakit lahat ng mga pelikula mo ay tungkol sa buhay at kultura ng mga taga-Mindanao?
“Since 2009 na nagsimula ako, I always wanted to promote Mindanaoan culture pati na iyong mga talents from Mindanao”, aniya.
Adbokasya mo bang ang pagsusulong ng regional cinema sa Mindanao?
“Oo, naiisip ko kasi, meron tayong Visayan cinema noon so why not Mindanaoan cinema para magkaroon naman sila ng representation, gaya na lang ng suporta ko sa film festivals like Salamindanaw Film fest sa Mindanao”, bulalas niya.
Ano ang mga naging karanasan mo sa paggawa ng book one ng “Moro2morrow o “Daughters of the Three Tailed Banner”?
“It’s fun. It’s a collaborative effort. Actually, we are working on a tight budget, so ang challenge dito is how to finish the film. In the process, we met a lot of people who helped us. People from Davao, Polomolok and other parts of Mindanao and even iyong mga locals and crowd who helped us financially”, kuwento niya.
Is the movie a work in progress?
“Yes, it is a product of crowdfunding. We started the film in 2014 and in the first quarter of 2015 and encountered difficulties because of the Mamasapano incident then. Iyong institutional partner namin backed out of the project, so resorted to friends and family for support. The ARMM government under Governor Mujiv Hataman came to the rescue and helped us to finish the film”, paliwanag niya. “Iyong part 1 niya focuses on women and their vulnerability in a male-dominated society. Iyong second installment would tackle iyong sa mga lalake at people in power kaya nga na-introduced na sa mga cameo roles sina Felix (Roco) at Jess (Mendoza) sa part 1 dahil very vital ang roles nila sa part 2”, pahabol niya.
Papel ni Aida, isang babaeng nabiktima ng illegal recruiter na nakaranas ng harassment sa mga pulis nang maging suspect siya sa pagkamatay ng isang Pinay na nakilala niya sa pinagtratrabahuhang hotel ang role ni Fe sa “Daughters of the Three Tailed Banner”.
Saan ka humugot ng inspirasyon para magampanan mo ang papel mo bilang Aida?
“It’s not a personal experience but from the personal stories of Pinay OFWs that I have worked with for years. I had a househelp for 10 years. She’s a Mindanaoan. I also come from Mindanao, so nakaka-relate ako sa mga kuwento at mga struggles nila”, pagwawakas niya.
Ang “Moro2morrow o “Daughters of the Three Tailed Banner” ay nagtatampok din kina Evelyn Vargas, Sue Prado, Mon Confiado, Maria Victoria Beltran, Haidie Sangkad, Mayka B. Lintongan, Chona Ongkingco, Sahara K. Ali, Jea Lyka Cinco at Krigi Hager.
Kamakailan lang, nagwagi ito ng festival jury prize sa main competition ng 3rd World Premieres Film Festival. Pinagkalooban din ito ng best artistic contribution award ng naturang international filmfest.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.