May 22, 2025
Actress turned entrepreneur Jackie Rice wants to venture into organic farming
Faces and Places Latest Articles T.V.

Actress turned entrepreneur Jackie Rice wants to venture into organic farming

Jul 8, 2016

Archie liao

by Archie Liao

 jackie riceKung gugustuhin ni Jackie Rice na huminto na sa pag-aartista ay keri naman niya dahil galing sa prominenteng pamilya ang kanyang non-showbiz boyfriend.

“Ayokong umasa sa boyfriend ko. Siyempre, pera niya iyon at ako naman, kung kaya kong kumita, mas magandang kung anuman ang maipupundar ko, galing sa sariling sikap ko”, wika niya.

Going strong daw ang kanilang relationship ng boyfriend niya, katunayan, umabot na rin sila ng pitong taon.

Medyo nalimitahan ang mga roles mo sa telebisyon. Dahil ba ito sa priority mo ang lovelife mo?

“Hindi naman dahil priority ang lovelife. Tanggap ko naman na hindi lagi permanente ang trabaho mo sa showbiz. Minsan, busy ka pero may mga pagkakataon din naman na medyo maluwag ang schedule mo”, sey niya.

Hindi ka ba nababagalan sa takbo ng career mo sa GMA-7 considering na noon ay nakapagbida ka na?

“Actually, thankful ako dahil kahit papaano may trabaho pa rin ako. May “Bubble Gang” ako kung saan nahahasa ang pagiging komedyante ko.  Grateful ako sa GMA kung ano pang projects na ibibigay nila sa akin”, aniya.

free rangeHindi ka pa nagbabalak na lumagay na sa tahimik since nasa edad ka na rin?

“As of now, wala pa. Pokus pa muna ako sa career ko. Iyon namang pag-aasawa, makapag-hihintay iyon”, paliwanag niya.

Happy din si Jackie dahil supportive ang kanyang boyfriend sa kanyang career.

“Siya pa nga minsan ang nagpu-push sa akin, dahil alam niyang mahal ko ang trabaho ko at passion ko talaga ang acting. Siya pa iyong very supportive sa akin at siya pa ang nag-e-encourage para pagbutihin ko ang trabaho ko”, kuwento niya.

Isa ring businesswoman si Jackie dahil dalawa na ang branches ng kanyang eatery na “Pares de Manila”.

May branches ito sa Sampaloc, Manila at Scout Ybardolaza sa Quezon City.

“Hindi naman habangbuhay sa showbiz lang ako. Mabuti na iyong may fallback ka kung sakaling hindi ka na aktibo sa showbiz”, bulalas niya.

Happy din si Jackie dahil kalahok siya sa pelikulang “Free Range” kung saan ginagampanan niya ang role ng misis ni Paolo O’hara.

“Timing nga iyong pelikula dahil nakakapag-encourage siya sa mga farmers natin na mag-negosyo tulad na lamang ng free range farming sa Coron”, deklara niya.

Ayon pa sa aktres, gusto rin niyang i-try ang organic farming.

“Isa kasi sa mga problema ng bansa natin ay iyong self-sufficiency pagdating sa mga produktong iprinuprodyus natin. Minsan, kailangan pa nating mag-import ng bigas at gulay. At least kung may mga itinanim kang crops kahit sa backyard mo o sa maliit mong farm, may pagkukunan ka na ng pagkain at iyong sobra ay puwede mong ibenta sa merkado”, pagtatapos niya.

Bukod kay Paolo, kabituin din ni Jackie sina Michael de Mesa, Madeleine Nicolas, Jojit Lorenzo, Leo Rialp at iba sa “Free Range” na kalahok sa kauna-unahang ToFarm Film Festival na mapapanood na mula Hulyo 13 hanggang 19 sa mga piling sinehan sa buong bansa.

Ito ay sa direksyon ni Dennis Marasigan (Anatomiya ng Korupsyon, Vox Populi, Sa North Diversion Road).

Ang ToFarm Film Festival ay brainchild ng multi-awarded agri entrepreneur and philanthropist na si Dra. Milagros How ng Universal Harvester kung saan si Direk Maryo J. de los Reyes ang festival director.

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

 

Leave a comment

Leave a Reply