
Senador Sotto pinagpiyestahan sa social media
by Josh Mercado
Umani ng batikos ang senador at isa sa mga hosts ng Eat Bulaga na si Sen. Sotto matapos ang kanyang naging biro sa isang babae na napili para sa friday’s episode ng Juan for All, All for Juan , Hulyo 9.
Sa pakikipag sugod bahay ni Jose at Wally, naikwento ng babae ang kanyang karanasan kung paano sya binastos at pinagsamantalahan ng kanyang kaibigang lalaki. Ginawa itong katawa-tawa ng mga hosts at nagbirong sinabi ng senador na “Ka-babae mong tao, nagsho-shot shot ka. Nakashorts ka pa habang nagshoshot”.
Matapos ang nasabing episode ay sunod sunod ang pangbabash ng mga netizens sa senador lalo na sa social media. Kaliwa’t kanang pangbabash ang natamo ng senador. Naging usapan din ang nakaraang isyu tungkol kay Pepsi Paloma at ang sinasabing plagiarism.
Galit na galit ang mga netizens. Pati ang pagkakaluklok sa kanya bilang senador ay kwinestyun din.
May ilang facebook users na nagshare ng video sa binitawang pagbibiro ng senador sa babae at umapaw ng negative comments sa facebook at hate tweets sa twitter.
Mula sa iba’t ibang netizens sa facebook:
Sa kabila ng mga natamong negative comments ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng aliw at papremyo ng Juan for All, All for Juan sa bawat Kapuso.