
Pagbabalik TV ng Queen of All Media ikinatuwa ng fans
by Josh Mercado
Matapos ang ilang buwang pamamahinga sa telebisyon dahil sa pangangalaga sa kanyang kalusugan, muling nagbabalik ang Queen of All Media Kris Aquino.
Pinost ng tv host-actress ang kanyang larawan sa instagram na may caption na “#SpellNagHanda (On my way to the meeting for my return to TV. Please PRAY with me that whenever will happen & whatever road I’ll travel is God’s best path for me?)”.
Samu’t saring reaksyon ng fans at mga manonood ang ipinahayag sa post ng tv host-actress. Maraming natuwa sa kanyang pagbabalik matapos nya itong ibandera sa instagram.
Ani ng mga taga hanga ay patuloy nilang susuportahan ang kanilang idolo at excited sila sa magiging shows ng tv host-actress sa Kapamilya Network.
May mga fans na nagrerequest na ibalik ang kanyang morning show na huling enere sa Kapamilya Network noong Abril. Gusto din ng mga fans na ibalik ang Sunday talk show nya kasama ang King of Talk na si Boy Abunda at ang Game show na Game Ka Na Ba.
Marami na ring nagawang anunsyo ang Queen of All Media sa kanyang pag-iwan sa showbiz dahil sa kanyang mga priorities—ang kanyang kalusugan at ang time nya para sa kanyang mga anak na si Josh at Bimby. Sa kabila ng pangbabash ng kanyang mga kritiko ay walang makakapigil sa Queen of All Media sa kanyang pagbabalik sa kanyang itinuring na tahanan—ang Kapamilya Network.