
Lovi Poe sizzles with Derek Ramsay and Tom Rodriguez
Masasabing bongga at patuloy na namamayagpag ang karera ng tinaguriang Primera Aktresa na si Lovi Poe. Abalang-abala ngayon ang aktres sa shooting at taping ng kaniyang pelikula at panibagong teleserye sa Kapuso Network.
Malapit nang matapos ang shooting ng pelikula nila ni Derek Ramsay na “The Escort” ni Enzo Williams at dito ay full blast daw ang kaniyang pagpa-sexy. Ito ang unang pagsasama nila ng hunk actor kasama ang premyadong aktor na si Cristopher de Leon.
Ang sabi ng nakausap namin, napalaban daw si Lovi sa mga daring scenes with Derek at Cristopher. Kungsabagay, sa title palang ng pelikula ay nakakaintriga na. Minsan nang nauso sa showbiz ang mga tinatawag na Escort girls kung saan ay nasangkot ang ilan nating sexy stars sa sinasabing tawag ng laman at pangangailangan. Kung sa mga nakaraang pelikula ng aktres ay nagpaka-daring na sya, dto sa The Escort ay mas lalo pa pero syempre lumutang pa rin ang kahusayan niya sa pag-arte.
Sa kaniya namang pagbabalik-telebisyon, first time din niyang makakatrabaho si Tom Rodriguez sa isang teleserye at ito ay ang “Someone to Watch Over Me”. Istorya ito ng isang faithful wife na handang ibigay at isakripisyo ang lahat alang-alang sa kaniyang asawa. Magsisimula na itong mapanood sa buwan ng Agosto sa GMA 7. Ito ay sa direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes. Of course, sigurado rin na may mga maiinit na eksena sina Lovi at Tom sa bagong teleserye na ito ng Kapuso Network.