May 22, 2025
Neil Ryan Sese learns to appreciate simple living more in “Kakampi”
Faces and Places Latest Articles Movies T.V.

Neil Ryan Sese learns to appreciate simple living more in “Kakampi”

Jul 18, 2016

neil ryan sesePagkatapos mapansin sa mga pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros”, “Seroks”, “Huling Pasada”, Mangatyanan”, “Sanglaan” at “Di Natatapos ang Gabi” at sa Cannes award-winning movie na “Ma’ Rosa”, muli na namang magpapamalas ng galing si Neil Ryan Sese sa pelikulang “Kakampi” ni Victor Acedillo, Jr. na kalahok sa kauna-unahang ToFarm Film Festival.

Bakit nga pala “Kakampi ang titulo ng pelikula?

“Tungkol kasi siya sa farming. May mga tumutulong sa kanya para mapalago iyong bunga ng mga lansones na kanyang mga kakampi”, aniya.

Habang ginagawa mo ang pelikula, nakakuha ka ba ng mga kakampi sa mga farmers?

“Sobrang supportive nila. Siyempre, natuwa sila dahil about farming iyong pelikula. Nagbibigay sila at nagshe-share ng mga kuwento. Marami kang mapupulot sa kanila”,kuwento niya.

kakampiAno ang natutunan mo sa pakikisalamuha mo sa kanila?

“Iyong simpleng pamumuhay. Iyon ngang mga bahay nila, walang pinto at walang makikita kundi kuwarto lang at mga damit dahil katuwiran nila, wala raw namang mananakaw sa kanila”, pahayag niya.

Ayon pa kay Neil, hindi niya makakalimutan ang experience niya sa mga farmers na  nakilala niya habang ginagawa ang pelikula.

“Humbling iyong experience. Hindi naman kailangan ang maraming bagay para sumaya. Iyong kuntento na sila sa mga basic needs nila at iyong kasimplehan ng kanilang pamumuhay, iyon ang maa-appreciate ko sa kanila”, sey niya.

Umaasa rin si Neil na ang kanilang pelikulang “Kakampi” ay maging wake up call sa estado ng agrikultura at pagsasaka sa bansa.

“Agricultural country tayo. Nakalulungkot lamang na umuunti na ang ating mga farmers, considering na sila iyong mga bayani natin sa ating bayan. Pag naubos na ang mga farmers natin, paano tayo kakain? Sinong gagawa sa mga ginagawa nila? Sana sa pamamagitan ng pelikula, makapag-ambag ito ng inspirasyon para doon sa mga pumupunta sa Maynila para maghanap ng kapalaran na matatagpuan din naman sa mga probinsiya at sa mga bukid”, paliwanag niya.

Papel ni Ben, isang taxi driver at dating sales executive ang ginagampanan ni Neil sa “Kakampi”. Uuwi siya ng probinsya nang mamatay ang kanyang lolo na may ibang plano sa lansones farm na naiwan ng kanyang abuelo. Mababago ang kanyang pananaw nang maharap siya sa responsibilidad para pamahalaan ang naiwang lansones farm ng kanyang kamag-anak sa Camiguin.

neil ryan sese in kakampiTampok din sa “Kakampi” sina Gloria Sevilla, Suzette Ranillo, Felix Roco, Kate Brios, Perry Dizon at iba pa.

Hindi rin makakalimutan ni Neil ang kanyang Cannes experience kung saan kasama siya sa entourage ng Cannes award-winning actress na si Jaclyn Jose na rumampa sa nasabing prestihiyosong international filmfest.

“Sobrang blessed ako. Isa na siguro siya sa highlight ng career ko dahil hindi naman lahat ng actor ay naiimbita sa Cannes. Sa Cannes, we were treated like Hollywood supertars na may limo, may sariling driver at bodyguards. Then, you get to meet many acclaimed  filmmakers and popular actors  so, it’s really an unforgettable experience  for me”, saad niya.

Aminado rin si Neil na pinag-ipunan niya ang pamasahe para lang maka-attend sa Cannes.

“Iyong kasing airfare, hindi nila sagot. Iyong hotel at accommodation lang ang sagot nila. So ang ginawa ko, nagbenta ako ng shirts online para sa makapag-raise ng pondo at nagpapasalamat naman ako sa lahat ng tumulong sa akin”, pagtatapos niya.

Si Neil ay nasa cast din ng reboot ng “Encantadia” kung saan binibigyan niya ang  papel ni Asval na unang ginampanan ni Bobby Andrews sa orihinal.

Si Neil ay nagwagi ng Golden Screen Award bilang best supporting actor para sa kanyang makabuluhang pagganap sa Kapuso drama series na “Munting Heredera” noong 2011.

Leave a comment

Leave a Reply