May 22, 2025
2016 Mister United Continents, a rousing success
Faces and Places Featured Latest Articles

2016 Mister United Continents, a rousing success

Jul 27, 2016
By: Archie Liao
By: Archie Liao

Isang malaking karangalan sa bansa na maging country-host ang Pilipinas sa 2016 Mister United Continents kung saan labimpitong kalahok mula sa iba’t-ibang kontinento sa mundo ang naglaban-laban para masungkit ang nasabing pinakaaasam na titulo.

Wagi bilang 2016 Mister Continents si Mohit Singh ng India. Tila panahon ng mga taga India ang taong 2016 dahil kamakailan lang ay tinanghal din ang isang Bombay na si Rohit Khandelwal bilang Mister World sa pageant nito na idinaos sa Southport sa United Kingdom.

Si Singh ay isang lisensiyadong electronics and communications engineer. Graduate siya sa YMCA University of Science and Technology sa Faribadad sa Haryana, India. Nagtratrabaho siya bilang engineer sa Havells India, Limited. Isa rin siyang professional model at aspiring Bollywood actor.

Ito ang ikalawang pagkakataon na idinaos sa bansa ang Mister World Continents.

Last year, idinaos din ito sa Pasig Amphiteatre kung saan si Kamel Raad ng Lebanon ang iprinoklamang 2015 Mister United Continents.

ms baby go ms. baby go with winners

 

 

 

 

Ang iba pang nanalo sa taunang male beauty pageant ay sina Mark Redfearn, isang 19-year old electrician mula sa United Kingdom bilang first runner-up, Vo Hoang Tuan, isang 19-year old high school student mula sa Vietnam bilang second runner-up, Thu Ra Nyi Nyi, isang 22-year old gym trainor mula sa Myanmar bilang third runner up, Peter Jovic, isang IT graduate at professional model mula sa Thailand bilang fourth runner up, Kian Siok Ching, isang 22-year old registered engineer, at Hollywood actor Matt Damon lookalike mula sa Borneo bilang fifth runner up.

Nanalo naman si Le Ngo Bao Viet, isang 31-year old model-actor- entrepreneur mula sa Vietnam bilang 2016 Master United Continents. Ang Master United Continents ay subsidiary title ng Mister United Continents para sa mga kandidatong may edad na 31 hanggang 42.

Ang iba pang nagwagi ng special awards sa naturang male pageant ay sina Kian Siok Ching sa kategoryang Video Advocacy Challenge, Mohit Singh bilang Mr. Online Popularity.

Namukod-tangi naman si Van Burm sa kategoryang Sports Challenge.

Tinanghal namang best in swimwear si Thu Ra Nyi Niyi ng Myanmar samantalang best in talent naman ang Pinoy na si Joeser Sinfuego.

Wagi rin si Ralph Aaron Borja Quinial ng Canada bilang Darling of the Press at Mister Friendship samantalang si Peter Jovic ng Thailand ang iprinoklamang best in resorts wear.

Mister Photogenic naman si Mark Redfearn ng United Kingdom samantalang Best in National Costume si Le Ngo Bao Viet ng Vietnam.

Bigo namang makapasok sa top seven sina Joeser Sinfuego at Joseph Franco ng Philippines na tulad ni Sam Adjani, pambato ng Pilipinas sa Mister World ay hindi nakapasok sa semi-finals.

Maging ang pinakabata at crowd favorite na 18-year old incoming kinesiology freshman sa Humber College na si Mr. Canada na si Ralph Aaron Borja Quinial ay hindi rin pinalad na makabilang sa mga napiling finalists.

Ang Mister United Continents 2016 ay suportado ni Ms. Baby Go, ang queen of independent films at executive producer ng BG Films International na siya ring nagsilbing chairman of board of jurors.

Kasama sa mga naging hurado ang ilang top executives ng BG Films tulad nina Romeo Lindain, associate producer, Dennis Evangelista, supervising producer at Neal Tan, resident director ng BG Films.

Ang Mister United Continents ay itinayo ng Blue Circle Events Management, ang kumpanya sa likod ng international all-male competition.

Nagsilbing hosts sa event sina Miss United Continents Philippines 2015 Anabel Christine Tia at Mister Real Universe-Philippines 2015 Mark Andrew Guerta Baron.

Leave a comment

Leave a Reply