May 23, 2025
Director Louie Ignacio is proud of his film "Area"
Featured Latest Articles Rodelistic

Director Louie Ignacio is proud of his film "Area"

Aug 9, 2016

by Rodel Fernando

by Rodel Fernando

Kilala si Louie Ignacio bilang TV and concert director pero nagtagumpay din siya bilang film director.  Kabilang sa mga nagawa niya as filmmaker ay ang mga pelikulang Asintado, Laut, Child Haus at marami pang iba na talaga namang pinuri dahil sa ganda at husay ng pagkakagawa niya sa mga ito.

Halata talagang nag-eenjoy ang mabait na direktor kaya naman patuloy ang paggawa niya ng pelikula. Sa katunayan, isa na namang makabuluhan at maipagmamalaking obra ang natapos niya. Ito ay ang pelikulang “Area” na pinagbibidahan ng Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

Prostitusyon ang tema ng pelikula kung saan ipinakita at inilahad ang kaniya-kaniyang kuwento ng mga sinasabing kalapating mababa ang lipad sa isang lugar sa Pampanga na ang tawag ay “Area”.

 

Photo Credits: http://www.instagram.com/lagdameolouie
Photo Credits: http://www.instagram.com/lagdameolouie

 

Inamin din ni Direk Louie na ito na ang pinakamagandang pelikulang nagawa niya sa kaniyang karera bilang film director.

 

“Masterpiece.  Yes eto  yun . Dito  ko binuhos lahat ng pinag-aralan ko sa story telling at kung paano makipag-usap  ang kamera sa viewers. ‘Yung isang tingin nila alam na nila kung ano ang ibig sabihin,” bungad ng batikang direktor nang aming makausap sa pictorial ng naturang pelikula.

 

Very positive si Direk Louie na hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ay mapapansin ang kaniyang pelikula. Ayaw pa niyang  banggitin kung saang mga festival kasama ito pero sa ngayon ay tatlo nang prestihiyosong international film festival  ang may interes at nagpa-abot na ng pagbati  sa kaniyang masterpiece.

 

“Maraming natouch na international film festival about sa story ng pelikula ng mga babae sa “Area”. Naniniwala ako na magugustuhan pa ito ng iba.”

 

Aminado ang direktor na gasgas  na ang tema ng pelikula tungkol sa mga pokpok pero maging siya ay nagulat nang malaman niyang mayroon pa palang lugar sa Pilipinas na bahay aliwan na marami nang dekada ang lumipas ay nag-eexist pa rin at kakaiba ang kapalit o kabayaran sa panandaliang aliw.

 

“Kung ano itsura ng  location ng story, yun ang itsura ng film.  Hindi na bago ang story  pero yung realization na meron pa palang ganitong natitira sa Pilipinas, ito yung  bago sa tingin ng mga international film festival pero yung subject matter hindi na bago kasi prostitution ay madami nang gumawa”

 

Idinagdag pa ng direktor na bukod sa natuwa siya sa kinalabasan ng movie ay sobra rin siyang nasiyahan sa ipinakitang galing sa pag-arte ng kaniyang mga artista sa pangunguna nina Ai-Ai delas-Alas, Allen Dizon, Ireen Cervantes, Sancho delas-Alas, Sue Prado at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply