May 23, 2025
Barbie Forteza levels up in “Tuos”
Faces and Places Featured Latest Articles

Barbie Forteza levels up in “Tuos”

Aug 9, 2016
by Archie Liao
by Archie Liao

Malaking hamon para sa Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kanyang pagganap sa pelikulang “Tuos” ni Derick Cabrido na kalahok sa 2016 Cinemalaya filmfest.

 

Hindi ka ba na-intimidate na makaeksena ang Superstar na si Nora Aunor?

tuos

 

“Noong una, talagang kinabahan ako kasi Superstar iyan at siyempre minsan mako-conscious ka kung paano magle-level up para makasabay sa kanya. Pero sa experience ko sa kanya, sobra siyang supportive at talagang aalalayan ka niya sa mga eksena mo”, bungad ni Barbie.

 

Ano iyong dialect na ginamit ninyo sa pelikulang “Tuos”?

 

“It’s Karay-A, isang minority sa Iloilo”, aniya.

 

Paano mo siya inaral?

 

“Meron kaming speech instructor at saka meron rin siyang script sa set. Paulit-ulit ko siyang sinasabi. Paulit-ulit ko siyang binabasa hanggang makabisa”.

 

Twelve days kayong nag-shoot sa kabundukan ng Bucari sa Iloilo. Ano ang mga difficulties na na-encounter ninyo during the shoot?

 

“Iyong pag-akyat sa bundok. Dahil takot ako sa heights at saka iyong hamog pag madaling araw. Mahirap talaga siyang gawin dahil wala kami sa sibilisasyon. Wala kaming signal. Nag-stay kami sa isang resort pero bundok talaga siya. Buti na lang, walang dengue doon”, sey niya.

 

“Tapos, iyong pagbigkas ng dialect, dapat sakto siya kaya dapat mo ring aralin na lalabas na natural na hindi mo lamang minemorya”, dugtong niya.

 

barbie forteza

Sa “Laut” miyembro ka ng isang minority group na “Sama de Laut.” Dito, member ka naman ng isang liping minorya sa Iloilo. Nalilinya ka ‘ata sa mga pagganap sa mga ethnic characters?

 

“Hindi naman. Hindi ko naman plinano ang lahat. Nagkataon lang na ang magkasunod na pelikulang ginawa ko ay tungkol sa mga ethnic people”, paliwanag niya.

 

May mga nagsasabing mas malaki ang exposure mo rito sa pelikula bilang Dowokan kumpara sa exposure ni Guy bilang Pina-ilog? Ano’ng masasabi mo rito?

 

“Ang alam ko, halos pareho lang . Lahat naman kaming involved sa pelikula, pare-pareho kaming naghirap so pantay-pantay lang”, esplika niya.

 

 

Come awards season, paano kung ikaw ang ma-nominate o manalo as best actress at si Guy bilang best supporting actress? Ano ang magiging reaksyon mo rito?

 

“In fairness to Ate Guy, movie niya ito. Movie naming lahat. It’s her journey as much as my journey ”, depensa niya. “Hindi ko naman din puwedeng sabihin na hindi ako nag-e- expect na ma-nominate pero iyong nakita ko iyong pelikula, maganda ang feedback at nakagawa kami ng magandang pelikula is enough reward for me”, pagtatapos ni Barbie.

 

barbie and noraAng “Tuos” ay kuwento ni Pina-ilog ang tagapag-alaga ng tradisyon ng kanilang tribu bilang “binukot”. Dala ng katandaan, kailangang hirangin ang kanyang apong si Dowokan upang pumalit sa kanyang trono. Nabasag ang kasagraduhan ng “tuos” ,( isang kasunduan sa mga dinudiyos ng tribu) nang pinili ni Dowokan, apo ni Pina-ilog na magmahal ng isang mortal na tao, bagay na magiging mitsa rin ng kanyang buhay.

Bukod kay Nora Aunor, kasama rin sa cast sina Flor Salanga, Ronwaldo Martin, Ronnie Martinez, Elora Espano, Al Bernard Garcia, Adrienne Vergara at marami pang iba.

Ang “Tuos” ay mula sa panulat ni Denise O’hara at ng award-winning documentarist at director ng “Children’s Show” na si Derick Cabrido.

Leave a comment

Leave a Reply