
Derick Cabrido defends Nora’s exposure in “Tuos”

Usap-usapan ang exposure ng Superstar na si Nora Aunor sa kanyang Cinemalaya movie na “Tuos”.
May mga nagsasabing suporta lang raw kay Barbie Forteza ang role nito sa nasabing pelikula.
Kaugnay nito, minabuti naming kunan ang pahayag ang magaling at award-winning director na si Derick Cabrido ukol dito.
Aware ba si Guy sa magiging exposure niya sa pelikula bago niya tanggapin ang role niya sa “Tuos”? May mga observers kasing nagsasabi na hindi pantay ang kanilang roles o exposure sa pelikula mo?
“Actually, naka-compute iyong exposure nila pareho. Kay Nora is 35%. Kay Barbie is 32-33%,” aniya.
So, hindi totoo ang tsismis na nagkaroon kayo ng problema sa schedule ni Guy kaya nabawasan ang kanyang exposure sa pelikula?
“No, that’s not true”, paglilinaw niya.
Paano kung ma-nominate o manalo si Barbie bilang best actress at si Guy bilang best supporting actress sa “Tuos” , paano sa palagay mo tatanggapin ito ng mga Noranians?
“To be honest, hindi ko naman masasabi kung mano-nominate sila . Ibang lineup kasi itong year na ito, ang daming maglalaban dahil lahat halos ng mga pelikulang kalahok ay magaganda. Kung anuman ang mapanalunan nila, I would be happy for them. Ako naman kung gumagawa ako ng pelikula, tinitingnan ko siya as a whole at hindi ko ikinu-compartmentalize ang mga bagay-bagay. Tinitingnan ko ito as a whole, kahit na sa mga previous films ko pero I made sure na mataas pa rin ang exposure ni Nora sa akin”, paliwanag niya.
Saan nanggaling ang inspirasyon mo sa pagbuo ng “Tuos”?
“Interviews, research, pati na sa librong sinulat ni Professor Magas ng UP-Visayas. First time na nakapagbasa ako ng fantasy na alam mong hindi ordinaryo sa mga karaniwang folklore na nababasa mo kaya napaka-interesting niya”, pagbubunyag niya.
Bakit shadow play ang isa sa mga ‘tools’ na ginamit mo sa pagkukuwento ng “Tuos”?
“Ginamit ko siya para maintindihan ng mga tao kung saan nagsimula ang Binukot. Hindi naman natin puwedeng sabihin na ‘o, nandiyan na ang mga Binukot’ sa simula pa lang. Kumbaga, siya iyong naging bridge ko to tell the story”, ani Derick.
“Iyon rin ang naging challenge sa akin on how to tell the story na hindi magiging western ang approach kapag nagta-tackle tayo ng folklore. Ginamit ko ang shadow play dahil since pre-Hispanic times naman, ginagamit na ng ating mga ninuno ang shadow play sa pagkukuwento”, dugtong niya.
Kilala ka bilang isang magaling at award-winning documentarist. Bakit hindi nakita ang tatak na iyon dito sa pinakabago mong obra?
“There’s a lot of documentary films na nagawa na tungkol sa mga folklores like iyong sa Binukot and I think, it’s just like telling two different stories and merging these stories into one. I believe na kung documentary rin ang approach hindi magwo-work ang aesthetics nito considering na relaxed siya at static ang mga shots”, pagwawakas ni Derick.
Ang “Tuos” ang ikalawang Cinemalaya movie ni Derick Cabrido pagkatapos ng critically-acclaimed “Children’s Show” na nanalo ng Jury Award sa Fantasporto International Film Festival noong 2015.
Isa ring multi-awarded documentary filmmaker si Derick. Ilan sa mga awards niya bilang documentarist ay Bronze World Medal sa 2009 New York Film Festival para sa dokumentaryong “Pinays for Export”, Silver Screen Award sa 2010 New York International Independent Film and Video Festival para sa dokumentaryong “Tasaday”, 2012 Silver World Medal Award sa New York Festival para sa dokumentaryong “Yaman sa Basura” at marami pang iba.
Nagwagi rin siya ng Emerging Filmmaker Award sa Film Society of Little Rock sa Arkansas sa Texas.