
Chavit Singson wants to spread good vibes

For former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, the secret to happiness is spreading good “vibes”.
No wonder, he is one of the well-loved personalities in local tinsel town.
Unknown to some, he is not new to showbusiness.
His mother was a film producer back in the ‘60s where she used to produce potboilers for Northern Star Productions.
He is reviving said outfit to produce quality movies and to give a chance to deserving filmmakers and to create job opportunities for movie workers.
“Lahat ng mga suggestions ng istorya, na kay Eric (Quizon) na. Gusto kong mag-produce ng mga commercially viable projects at saka mga indie na rin para sa mga tumatangkilik ng pelikulang Pilipino. Marami tayong talented directors at mga artista na nangangailangan ng “breaks” kaya ire-revive ko ang pagpo-prodyus,” aniya.
Bukod sa paggawa ng pelikula, malapit na ring mapanood ang TV show ni Manong Chavit na “Happy Life”.
“Iyong “Happy Life” na prino-prodyus namin para sa TV, isang bagong programa iyon. Nakagawa na kami ng pitong episodes, pero kailangan namin ng labindalawa. Ipalalalabas siya either sa Channel 2 or 7. It is also being headed by Eric (Quizon). Pupunta sila sa iba’t-ibang probinsya para kunan ang magagandang tanawin para sa turismo natin. Pupunta sila sa mga eskuwela at tatanungin kung happy ba sila kung may magdo-donate sa kanila ng eskuwelahan. Of course, happy sila pero hindi nila alam kung sino ang donor. Kung wala kaming makuhang donor, ang ‘Happy Life” na isa ring foundation, ang magbibigay sa kanila. Pupunta rin sila sa mga probinsya para hanapin ang mga pinakamasisipag at pinakamasisigasig na mga farmers. Kung sino ang pinakamasipag sa mga farmers, iimbitahan siya sa Maynila, ititira sa first class hotel, pakakainin, bibigyan ng pang-shopping, pag-uwi niya may bagong bahay na siya. Pero, ayaw namin ng dole out gusto namin iyong ‘reward system,” kuwento niya.
Bukod dito, napakalaki rin ng partisipasyon niya sa gaganaping Miss Universe 2017 na idaraos sa bansa.
“Almost 80% na siyang sure. Mga $ 12 M dollars ang gagastusin doon. Walang gagastusin ang gobyerno dahil I’m partnering with Department of Tourism headed by Ms. Wanda Teo at sa tulong ng mga private sectors. It will be a big help sa government natin dahil maipo-promote ang tourism at pati na ang mga negosyo natin. It’s one way to show my support to the Duterte administration,” paliwanag niya.
Kasama sa mga inaasahan niyang sumuporta rito ay sina Tony ‘Boy’ Cojuangco, Henry Sy ng SM Group of Companies, ang mga may-ari ng mga leading casinos at hotels tulad ni Kazuo Okada, ang Resorts World, Solaire at City of Dreams na siyang magiging tirahan ng mga kandidata habang idinaraos ang beauty pageant sa bansa sa susunod na taon.
Gusto rin ni Manong Chavit na mai-promote ang Vigan bilang isang top tourist destination lalo na’t kinilala na itong isa sa New Seven Wonder Cities of the World.
Tungkol naman kay Manny Pacquaiao, suportado nito ang muling pagsabak ng senador sa ring sa nalalapit nitong laban sa WBO welterweight champion kontra kay Jessie Vargas na gaganapin sa Las Vegas sa Nobyembre 5.
Pabor din si Manong Chavit sa pagbabalik ng death penalty dahil maganda raw itong deterrent para mabawasan o masugpo ang kriminalidad sa bansa lalo na iyong may kinalaman sa droga.
Speaking of federalism, pabor din dito ang butihing ama ng Ilocos dahil makatutulong daw ito para mabilis na maipatupad ng mga local governments ang kanilang mga infrastructure projects para sa kanilang mga nasasakupan dahil sa decentralization of powers.