
Sam Milby shares onscreen chemistry with Julia in “Doble Kara”
Nang pumasok si Sam Milby sa toprating teleseryeng “Doble Kara” na napapanood sa Kapamilya gold block, hindi naligtas ang actor sa mga batikos na ‘miscast’ siya sa naturang teleserye dahil sa umano’y wala silang ‘chemistry’ ni Julia Montes.
“Ang alam ko, naging parte ako ng “Doble Kara” noong nagkaroon ng Star Magic Ball last year. Pareho kaming nanalo bilang star of the night. So may mga nagsabing “Parang puwede sila, iyon ang naging comment nila. Kaya, nakapasok ako sa “Doble Kara” and it works naman kasi maganda ang feedback ng team up namin”, aniya.
“Sobrang thankful din ako sa Dreamscape dahil nabigyan nila ako ng chance na makatrabaho si Julia”, pahabol niya.
Aminado si Sam na wala pa siyang napapanood na pelikula o TV show ni Julia.
“She’s been very good. I’ve never been able to watch her shows yet pero sa mga naririnig ko, magaling siyang actress at napatunayan ko ito noong nakatrabaho ko na siya at naka-eksena sa “Doble Kara”, paliwanag niya.
Siya man daw ay bumilib sa performance nito bilang kambal na Sara at Kara.
“Mahirap gampanan iyon. It’s kinda exhausting at nakakapagod pero, nakita ko na ‘carry’ lang niya na gumanap sa two different roles. At napaka-credible niya in both roles”, ani Sam.
Proud din si Sam na maging bahagi siya ng nasabing TV series na posibleng ma-extend pa hanggang 2017 dahil sa mataas nitong rating.
“Successful na kasi ang show before I entered it. May mga naging leading men na rin siya and I’m happy na isa ako roon”, bulalas niya.
Naniniwala rin si Sam na hindi kailangang romantically involved ang partners ng isang show o teleserye para tangkilikin ito ng mga tao.
“There are those love teams na nagwo-work kahit wala real romance involved. Sometimes, nasa story din at doon sa performance nila kung paano ba nila ipo-portray para maging credible sila as a reel love team, as sweethearts or as husband and wife sa story. So, chemistry depends on a lot of factors”, sey niya.
Nasa cast din si Sam ng pelikulang “Camp Sawi” kung saan papel ng isang camp master ang kanyang role.
Kahit pa second choice lang siya sa nasabing role na dapat sana ay kay Piolo Pascual, he does not mind at all.
“Maybe hindi kaya ng schedule ni Piolo kaya hindi niya nagawa pero si Piolo iyan. Kung second choice man ako, I don’t mind at all. I’m glad to be considered for the role originally conceived for Piolo and I think, it works for me naman”, paliwanag niya.
Ipinaliwanag din ni Sam kung bakit isang lalake na dahilan ng kasawian ng mga kababaihan ang camp master sa pelikulang “Camp Sawi”.
“Bawal kasing ma-in love sa camp. Bilang camp master, nandoon lang ako para tulungan sila. Inilalabas nila ang galit nila at frustrations dahil sa heartbreak sa mga activities na ginagawa nila roon. May purpose din kaya ako nasa camp. Kung sakaling kikiligin sila sa akin, ibig sabihin puwede silang mag-move on at puwede silang ma-in love muli”, pagwawakas niya.
Kasama ni Sam sa “Camp Sawi” sina Bela Padilla, Arci Munoz, Andi Eigenmann, Yassi Pressman at Kim Molina na magpapamalas ng ‘girl power’ sa mga sinehan simula bukas, Agosto 24.
Happy din si Sam dahil going strong ang kanilang relationship ng kanyang Filipino-British girlfriend na si Mari Jasmine.