May 23, 2025
Direk Arlyn dela Cruz talks about her controversial film “Tibak”
Featured Latest Articles

Direk Arlyn dela Cruz talks about her controversial film “Tibak”

Aug 24, 2016

Arlyn dela Cruz

Pagkatapos manalo ng kanyang pelikulang “Maratabat” (Pride and Honor) ng Award of Merit sa  Indie Fest sa California at best international film sa The People’s Film Festival sa New York, muli na naman tayong pabibilibin ng award-winning journalist turned filmmaker na si Arlyn de la Cruz sa kanyang pinakabagong obrang “Tibak”.

Bakit pinili mong isapelikula ang buhay ng kontrobersyal na si Joma Sison?

 

“Noong 2008 kasi, nag-produce ako ng “Puntod” ni Cesar Apolinario. Noon pa man, magkaibigan na kami ni Joma. Noon pa man, nag-discuss na kami at sinabi niya kung bakit hindi pa ako nagdidirek. Sabi niya, kung magdirek ka, buhay ko ang gawin mo. Pero nauna kong ginawa iyong Maratabat at saka iyong Mandirigma,” pagbabalik-tanaw niya.

 

Gaano kahalaga ang kuwento ni Joma Sison na malaman ng henerasyong ito?

 

“Tibak” is not just about Joma. Kuwento ito ng kabataang makabayan. Kuwento ng kabataang Pilipino at importante siyang malaman dahil naging bahagi siya at patuloy na isinusulat ng ating kasaysayan,” aniya.

 

Bilang screenwriter din ng pelikula, saan nanggaling ang inspirasyon mo sa pagsulat ng buhay at pakikibaka ng tulad ni Joma?

 

“Nagbasa ako ng writings ni Joma. Nag-interview ako ng mga naging miyembro. Karamihan sa kanila, buhay pa. Iyong iba naman ay still involved in the movement. Iyong iba naman ay lumabas na. Iyong iba naman ay patuloy ang pakikibaka at papunta in the same route. Bilang mamamahayag, kilala ko na sina Jalandoni at Agcaoili kahit noong nagpe-peace process pa lang dahil nagku-cover na ako sa kanila,” paliwanag niya.

 

Naniniwala ka ba sa mga ipinaglalaban ni Joma at ng kabataang makabayan?

 

“You don’t have to believe in the person’s ideals in order to make a film about him. You don’t have to be one of them para maibahagi ang kanilang kuwento. You just have to believe in their story and the idea that you can be a platform for them to make this known to many. Naniniwala akong bilang isang filmmaker, puwede kang maging daluyan para maikuwento mo ang buhay nila,” deklara niya.

 

Hindi ka ba natatakot na mabansagang maka-kaliwa o komunista dahil sa pagsasadula mo ng buhay ni Joma?

 

“Rebelde ako sa utak pero hindi isang aktibista. Hindi ako lumaki sa lansangan. Nagku-cover lang ako noon. It’s a story, hindi maitatanggi na nangyari iyon. May mga filmmakers tayong progresibo ang pag-iisip. Hindi naman ako makakaliwa. Wala akong kinikilingan dahil kanya-kanya naman sila ng pinanggalingan at lalong hindi isang propaganda ang pelikula,” pagwawakas ni Direk Arlyn.

 

Arlyn dela Cruz, the film maker of TibakAng “Tibak” ay ikatlong full-length film ni Direk Arlyn dela Cruz. Tumatalakay ito sa kabataan ni  Joma Sison mula 1959 hanggang 1969.

Tampok sa pelikula ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto bilang Joma Sison at si Jill Palencia bilang Julie de Lima, asawa ni Joma.

Kasama rin sa cast sina Marion Aunor, Kristoffer King, Dido de la Paz, Jao Mapa, Xyruz Imperial, Joel Saracho, Neil Carandang, Marc Solis, Kiko Matos, Joel Saracho, Lui Manansala, Julio Diaz, Soliman Cruz at marami pang iba.

Ito ay magkakaroon ng special screening sa UP Film Center sa Agosto 28 kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Communist Party of the Philippines founder na si Joma Sison.

Bago pa man naging abogado at alkalde ng Davao City si Digong ay naging estudyante siya ni Sison noon sa political science sa Lyceum of the Philippines.

Arlyn dela Cruz, the film maker of TibakPareho silang tatanggap ng Supremo awards dahil sa naging ambag nila bilang mga lider ng  kabataang makabayan noong early ‘60s.

Napapanahon at makasaysayan ang pelikulang “Tibak” ni Direk Arlyn dela Cruz  dahil binuksan na ng gobyerno at ng CPP-NDF ang usapang pangkapayapaan kamakailan.

Leave a comment