May 23, 2025
Angel Aquino admits she’s a fan of Jadine
Featured Latest Articles

Angel Aquino admits she’s a fan of Jadine

Aug 30, 2016

Dream come true para sa award-winning actress na si Angel Aquino na makatrabaho ang tambalang James Reid at Nadine Lustre.

 

1“When I was watching OTWOL noon, I said to myself that I want to work with these people. Iyong chemistry nila is very palpable at dahil na rin sa magaling ang director nitong si Direk Tonette”, sey ni Angel.

 

Aminado rin si Angel na kinikilig siya sa Jadine.

 

I became an instant fan. It reminds you of how beautiful and exciting young love can be”, bulalas niya.

 

Si Angel ay kasama sa cast ng bagong kiligserye ng Dreamscape Entertainment na “Till I Met You”, kung saan ginagampanan niya ang pivotal role ni Val, ang stepmother ni James.

 

Nakita mo ba ang closeness nila habang ginagawa ninyo ang teleserye?

 

“On and off, nakita ko iyong closeness nila. Iyong chemistry nila, nararamdaman mo talaga. At kahit naman noon pa, nakikita mo nang meron talaga”, pagpapatunay niya.

 

Paano mo ikukumpara ang Jadine sa mga young love teams na nakatrabaho mo na?

 

“You know, I’m just lucky that I have this opportunity to work with these very passionate people, na very committed at dedicated sa kanilang trabaho at hindi naiiba roon ang Jadine”, aniya.

 

Happy din si Angel dahil nakasama siya sa cast ng TIMY na nag-shoot pa sa Greece.

3

Ano ang hindi mo makakalimutang karanasan sa Greece?

 

“It was breathtaking. My favorite place in Greece is Santorini pati na iyong ‘ruins’. Gustong-gusto ko rin iyong plaka nila. It’s actually a splendid experience lalo na when you see the sunset”, pagbabalik-tanaw niya.

 

Dagdag pa niya, proud siya na maging bahagi ng teleserye na kakaiba ang konsepto.

 

“Hindi siya tipikal na ‘boy meets girl’ story dahil may ibang angle siyang ini-explore tulad ng love of a gay. It’s actually a story of friends, a boy, a girl and a gay friend who find themselves in an unusual love triangle. I’m proud to be a project where LGBT people are represented and I commend the creators of the series for coming up with such a brave, fresh and innovative story na ngayon pa lamang mapapanood sa primetime”, pagwawakas ni Angel.

 

Nakaka-relate din si Angel sa kuwento ng TIMY dahil hindi na bago sa kanya ang paglabas sa mga proyektong may gender-bending themes tulad ng “Ang Huling Chacha ni Anita” kung saan naging pantasya siya ng isang batang tomboy at sa short film na “Astray” bilang isang liberated woman na nagkaroon ng affair sa kanyang kabaro kung saan pinag-usapan ang kanilang controversial kissing scene ng indie actress na si Althea Vega. Ang naturang short din ay nanalo sa Manhattan International Film Festival sa New York noong 2014.

 

Bukod sa Jadine, kabituin din ni Angel sa TIMY sina JC Santos, Carmina Villaroel, Pokwang, Zoren Legaspi, Robert Seña, Noel Trinidad, Kim Molina, Francis Lim, Princess Merhan Eisbisch at marami pang iba.

2

Mula sa produksyon ng Dreamscape na pinamumunuan nina Deo Endrinal, Julie Anne Benitez at Kylie Manalo-Balagtas, ang TIMY ay mapapanood sa Kapamilya primetime block Lunes hanggang Biyenes pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Leave a comment