May 23, 2025
Primera Aktresa Lovi Poe returns to Primetime in “Someone To Watch Over Me”
Featured Latest Articles

Primera Aktresa Lovi Poe returns to Primetime in “Someone To Watch Over Me”

Sep 1, 2016

Lalong gumanda at sumeksi ang Primera Aktresa na si Lovi Poe.

 

Sa kanyang pocket presscon kamakailan, marami ang nakapansin na miyembro ng entertainment press sa magandang aura ng aktres. Maaliwalas kasi ang kaniyang mukha at halata ang ngiti sa kaniyang mga labi. Pag-ibig ba ito o sadyang masaya lang siya dahil sa mga magagandang nangyayari sa kaniyang career?.

 

Sabi ni Lovi, malaking dahilan dito ay ang kaniyang career dahil hanggang ngayon ay hindi siya nawawalan ng projects at pinagkakatiwalaan siya ng kaniyang mga producer at siyempre ng Kapuso Network. Kung sa lovelife naman ang pag-uusapan, sinabi niyang single pa rin siya hanggang ngayon at wala pang nagpapatibok muli ng kaniyang puso pagkatapos ng break-up nila ni Rocco Nacino. Yung napabalitang may non-showbiz boyfriend siya, idiniin ng magaling na aktres na hindi ito totoo.

 

Speaking of Rocco, nakatutuwa namang in good terms pa rin sila ng aktor at kahanga-hanga ang dalaga sa kaniyang mga pahayag na kahit marami ang nagsasabing hindi maganda sa binata ay ipinagtatanggol pa rin niya ito. Sabi nga niya, mayroong espesyal na parte sa buhay niya ang aktor.

image3

At dahil nga wala siyang lovelife, pokus sa pagtatrabaho ang aktres. Bukod sa paggawa niya ng pelikula, abala rin siya sa taping ng pinakabago niyang teleserye sa Kapuso na “Someone To Watch Over You” na mapapanood na sa September 5 sa GMA Telebabad. Isang babaeng mapagparaya at isasakripisyo ang lahat alang-alang sa minamahal ang tinatakbo ng kaniyang papel sa naturang teleserye. First time niyang makakasama bilang leading man si Tom Rodriguez.

image2

Pangalawa namang beses niyang makakatrabaho si direk Maryo J. Delos Reyes na una niyang naging direktor sa teleseryeng “Little Star”. Madrama at maraming madamdaming eksena si Lovi sa bagong palabas pero dahil mahusay siyang aktres ay kinaya niya itong gawin kaya naman hindi nahirapan si Direk Maryo sa pagdi-direk sa kaniya.

 

Bukod sa kaniyang teleserye, malapit na ring mapanood ang pelikula niya with Derek Ramsay na “The Escort”. Ngayong October daw ito ipapalabas na ngayon palang ay marami nang nag-aabang dahil sa mga daring scenes niya with Derek and Christopher de Leon.

image1

Leave a comment