
Indie actress Jill Palencia gets her biggest break in “Tibak”
Biggest break ni Jill Palencia ang kanyang role bilang Julie de Lima, asawa ni Joma Sison sa pelikulang “Tibak” ni Direk Arlyn dela Cruz.
Si Jill ay nakalabas na sa mga indie films na “Mayohan” ni Dan Villegas para sa 2010 Cinemalaya at sa 2012 MMFF New Wave entry na “The Grave Bandits” ni Tyrone Acierto.
Paano mo nakuha ang role ni Julie sa pelikulang “Tibak”?
“Nagpa-audition sila.Tapos, nag-audition ako. Nilagay naman nila kung ano iyong role. May script reading pero hindi ko ini-expect na ako ang mapipili”, ayon kay Jill.
Ayon kay Jill, privileged daw siya na gampanan ang role ng asawa ni Joma.
“In-explain sa amin ni Direk Arlyn iyong mga kinuha niyang actors at kami nga iyon ni Jak na nagre-resemble kina Joma at Julie de Lima”, sey niya.
Bilang paghahanda sa kanyang role, nagsagawa rin ng kanyang sariling pananaliksik si Jill.
“Binigyan kami ng pictures tapos nagtingin-tingin din ako ng mga interviews niya sa Youtube. Si Julie naman, she’s very light. Naroon lang siya para suportahan si Joma. Nasa background siya palagi para suportahan kung anuman ang ipinaglalaban ni Joma”, aniya.
Dugtong pa ni Jill, bilang graduate ng UP , nakaka-relate siya sa kuwento ng kontrobersyal na founder ng CPP-NDF na minsang nagturo sa nasabing unibersidad.
“Business administration graduate ako sa UP. Naging member din ako ng mga student organizations pero college at campus-based siya. There was a time na may invitation sa akin to join the rally, hindi lang kasi ako iyong tipong nagra-rally. Mas gusto ko iyong harapan at kalmadong pag-uusap. Iyong straight to the point pero naniniwala naman ako sa mga ipinaglalaban nila. I support them dahil maganda rin naman iyong naninindigan ka sa iyong mga karapatan”, paliwanag niya.
Hindi rin malilimutan ni Jill ang kanyang naging karanasan sa pakikisalamuha sa mga miyembro ng kilusang maka-kaliwa.
“Noong nag-shoot kami sa Tarlac, nakausap ko iyong iba sa kanila. Active talaga sila sa KM. Maging noong mag-shoot kami sa UP. Ini-invite nila kami sa mga activities nila, sa iba’t-ibang events”, kuwento niya.
May kissing scene kayo ni Jak (Roberto) sa pelikula. Nag-react ba ang mister mo nang mapanood ang pelikula?
“Actually, wala siya at hindi pa niya napapanood, pero sinabi ko naman sa kanya. Supportive naman siya pagdating sa mga ginagawa ko”, pagwawakas niya.
Huling napanood si Jill sa short film na “Butas” ni Richard Cawed sa nakaraang 2016 Cinemalaya.
Mula sa Blank Pages Production at sa direksyon ng beteranong journalist turned award-winning screenwriter and filmmaker, kasama rin sa cast ng “Tibak” sina Marion Aunor, Kristoffer King, Dido de la Paz, Jao Mapa, Xyruz Imperial, Joel Saracho, Neil Carandang, Marc Solis, Kiko Matos, Joel Saracho, Lui Manansala, Julio Diaz, Soliman Cruz at marami pang iba.