May 22, 2025
Derrick on GMA-7: “Before, nagtampo talaga ako”
Featured Latest Articles This is it!

Derrick on GMA-7: “Before, nagtampo talaga ako”

Sep 2, 2016

Aminado si Derrick Monasterio na nagtampo siya rati sa home studio niya na GMA 7 dahil madalang lang siya nitong bigyan ng proyekto. Pero ngayon ay wala na siyang tampo rito. Alagang-alaga na kasi nito ang kanyang career.

“Hindi, wala, wala akong tampo ngayon. Compared sa GMA before, nagtampo talaga ako aaminin ko. Ngayon, hindi talaga. Kasi ang daming project, may (Oh Boy!) ako, may album ako, meron akong coming show na drama series na malaki,” sabi ni Derrick.

 

10311289_186642438387674_1646149174_n
Photo Credits: ig,com/derrickmonasterio

 


 

Nakasama namin sa isang lunch ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson. Ikinwento nila sa amin na noong nanalo sila sa Trabahula segment ng “It’s Showtime’, na nahulaan nila kung sino ang tunay na soap maker sa mga trabahador, ang napanalunan daw nilang 20k ay ipinamigay lang nila sa mga ito. Kaya naman masayang-masaya ang limang trabahador.

 

gary-estrada-bernadette-allyson-11180

Ikinwento rin ni Goryo na makakasama siya sa bagong serye ni Dingdong Dantes na “Alyas Robinhood” mula sa produksyon ng GMA 7 na gaganap siya rito bilang kapatid ng mister ni Marian Rivera.

 

Medyo mataba ngayon si Goryo pero nandun pa rin ang angkin niyang kagwapuhan, huh! Sabi niya magpapapayat na raw siya in preparation para sa kanilang serye. At si Bernadette, slim pa rin kahit may mga anak na, at sa totoo lang, maganda pa rin siya. Alagang-alaga pa rin niya ang kanyang sarili kaya siguro hindi na humahanap pa ng iba si Goryo. Loyal siya kay Bernadette. Tapos na ‘yung mga panahong naging babaero ang mahusay na aktor.

 

Tatlo ang anak nina Goryo at Bernadette na pulos babae. Sabi ni Goryo, dadagdagan pa nila ang anak nila, dahil gusto niyang magkaroon ng anak na lalaki.

Leave a comment