
Ahwel Paz always finds time to help those in need
Hinahangaan namin ang aming kasamahan sa media na si Ahwel Paz dahil sa ipinapakita niyang pagmamalasakit sa mga katrabaho niya.
Taun-taon na lang ay naging panata na niya ang medical mission na nagbibigay ng libreng gamutan sa mga miyembro ng press.
Para sa amin, isa itong kabayanihan na ring maituturing dahil sa totoo lang ay malaki ang kaniyang naitutulong na siguradong gumagastos siya kahit sabihin pang tumutulong ang kaniyang mga kaibigan.
Ito ang masasabing pagse-share niya ng kaniyang blessings sa tagumpay niya bilang radio anchor at isang businessman. Anghel nga kung ituring siya ng kaniyang mga kaibigan sa mga ginagawa niyang pagka-kawanggawa.
Saludo kami sa ginagawang ito ni Papa Ahwel at nawa’y maging inspirasyon siya hindi lamang sa aming miyembro ng media kundi maging sa ibang tao na may kakayahang tumulong sa kapwa.
Nasa ika-apat na taon na ang kaniyang ILOVEMYFAMILY M4 (Medical Mission for the Members of the Media). Ngayong September 4 sa De Los Santos Medical Center (Out Patient Dept., Ground Floor) gaganapin ang medical mission mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.