
Bookstore magnate Maria Teresa Cancio returns to producing movies
Noong 1974, nakapag-produce na ang pamilya ng bookstore magnate na si Maria Teresa Cancio ng pelikula. Ito ay ang “Sa Ibabaw ng Mundo” na pinagbidahan noon nina Gloria Diaz, Ronaldo Valdez at Eddie Garcia na idinirehe ng beteranong director na si Nilo Saez.
Kaya naman, hindi na bago sa kanya ang showbusiness dahil may background na ang self-made businesswoman pagdating sa pagproprodyus ng pelikula.
Dahil gusto niyang makapagbigay ng trabaho sa mga manggagawa sa industriya at dahil marami siyang kuwento, nagbabalik sa paggawa ng pelikula si Ms. Cancio.
Bongga ang kanyang pagbabalik dahil dalawa agad ang pelikula niyang sabay na ginawa.

Ito ay ang “Pusit” ni Arlyn dela Cruz tungkol sa mga taong HIV positive sa ilalim ng Pantomina Films at “Higanti” ni Rommel Ricafort , isang socio-drama na tumatalakay sa iba’t-ibang napapanahong isyung panglipunan sa ilalim ng Gitana Films.
Tuloy-tuloy na po ba ang pagproprodyus ninyo ng pelikula?
“Let’s see what happens. Creatively, I would like to make more movies. I have so many stories that I would like to turn into film. As my daughter would say, ‘Mommy, kailangang may konting kikitain para naman sa susunod meron kang pondo”, ani Ms. Cancio.
Kayo po ang may-ari ng Goodwill Bookstore, bakit hindi po ninyo isinunod ang pangalan ng bagong film outfit ninyo sa pangalan ng inyong bookstore, considering na may recall na at kilalang pioneer sa book publishing industry ang inyong kumpanya?
“I understand, noong araw, merong Goodwill Pictures so siyempre ayaw naman naming magkaproblema sa DTI pagdating sa pangalan”, paglilinaw niya.

Sa pagbabalik ninyo sa pagproprodyus, ano ang mga bagong nadiskubre ninyo sa industriya?
“Technology is a blessing. Noon ang lalaki ng kamera at ang bibigat. Ngayon, puwede ka nang gumawa ng pelikula even with a handheld camera. Malaking help ang technology kasi it makes the work easier and faster. Pati na when you put on the effects, you have better quality”, paliwanag niya.
Bilang isang bookstore magnate, may mga libro po ba kayong ipinublish na gusto ninyong isapelikula?
“Actually, marami, Meron isang local at one from an imported book.”
78 years na ang Goodwill Bookstore at isa nang institusyon pagdating sa pagpu-publish at pagbebenta ng mga libro. Paano kayo nakakaagapay sa panahon ngayon kung saan uso na ang paperless technology?
“We are evolving naman. Pero, marami pa ring mga tao na preferred ang libro kasi iyong iba na kilala ko, mas gusto pa rin iyong may nahahawakan at may puwedeng balik-balikan sa pagbabasa lalo na sa mga textbooks. Kami naman, forte kasi namin ang mga medical books and we will be coming up soon also with a book on moviemaking by Rommel Ricafort na siyang director ng “Higanti”, aniya.

May balak ba kayong maglimbag ng sarili ninyong libro sa hinaharap?
“I have written two books already. May mga na-published na rin akong mga libro. I have published seven childrens’ books, six in English and one in Tagalog. I wrote “Ang Dalawang Puyo” for my son which has something to do with the beliefs and superstitions on having “puyo” for kids which they believe to sign of smart kids according to the Chinese”, saad niya.
Isinumite ni Ms. Cancio ang kanyang dalawang pelikulang naiprodyus sa MMFF bilang posibleng kalahok sa taunang piyesta ng pelikulang Pilipino.
“I’m praying for it. Kasi, I believe that we have something good to offer and I am proud of my two films”, pagwawakas niya.

Ensemble cast ang “Pusit” na nagtatampok kina Jay Manalo, Ronnie Quizon, Tere Gonzales, Mike Liwag, Rolando Inocencio at marami pang iba.
Balik naman sa pagbibida si Assunta de Rossi sa “Higanti” kasama sina Jay Manalo, Jon Lucas, Meg Imperial, atbpa.