May 23, 2025
Award-winning actress Charo Santos Concio fascinated by Lav Diaz’ cinema
Featured Latest Articles

Award-winning actress Charo Santos Concio fascinated by Lav Diaz’ cinema

Sep 22, 2016

Memorable at unforgettable sa award-winning at internationally-acclaimed actress na si Charo Santos-Concio ang pelikulang “Ang Babaeng Humayo” (The Woman Who Left) na nanalo ng prestihiyosong Golden Lion award sa 73rd Venice Film Festival sa Italy.

Unang kolaborasyon nila ito ng multi-award winning at global filmmaker na si Lav Diaz na noong Pebrero ay nanalo ng Silver Bear Alfred Bauer Prize para sa kanyang obrang “Hele sa Hiwagang Hapis” sa Berlinale Film Festival.

14156488_287136768336403_480871609_n

14310839_535055436700232_7324122199890067456_n

Sa isang panayam, nasabi mo na kaya ka pumayag na gawin ang “Ang Babaeng Humayo” ay para mai-try ang cinema ni Lav Diaz. Ano ang nadiskubre mo sa cinema ni Lav Diaz?

“His cinema is free. Wala siyang boundaries. Wala siyang rules. He always pushes the edge of the envelop. He allows and gives you the space and freedom to interpret your character the way you see it in the context of the narrative”, bungad niya.

14156398_1155334287842777_2409958419537592320_n

Bakit nga pala sa Calapan ang setting ng pelikula?

“Sabi niya pag nagsho-shoot daw siya, dinadala raw niya ang lahat sa isang isla para contained para madali, mas mabilis. So sabi ko, Direk, doon ako galing sa Calapan, Oriental Mindoro. Bakit hindi kayo mag-location doon, baka magustuhan ninyo. Sabi niya, nagustuhan niya naman. So, ang saya-saya ko dahil nakabalik ako sa hometown ko”, aniya.

Naidirek ka na ng National Artists for Film na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal, paano mo ikukumpara ang pakikipagtrabaho mo sa kanila sa iyong karanasan kay Lav Diaz?

“All of them have their passion for their craft. Each one has his own individuality and style which makes him unique as a director and an artist. I don’t think it’s fair to compare. Lahat naman sila are passionate with their craft”, pahayag niya.

Bakit noong panahon nina Brocka at Bernal ay “elusive” ang Venice at Berlin (awards) sa atin  na ngayon ay napanalunan ng isang Lav Diaz?

“Marami na rin naman tayong mga pelikulang napanalunan, hindi nga lang Venice o Berlin. Even iyong mga pelikula ni Lino Brocka at iba pang director ay pinuri sa mga international filmfests . Back noong LVN days pa, we got recognition sa Asian filmfests. Tapos, ang dami ng mga independent films na nanalo sa iba’t-ibang international filmfests. I guess, timing lang siya when the stars align and the universe gives it to you”, paliwanag niya.

Sa “Ang Babaeng Humayo”, ginagampanan ni Charo ang papel ni Horacia, isang dating guro na nahatulan at nabilanggo sa isang krimen na hindi niya ginawa. Sa kanyang paglaya, babalikan niya ang taong nag-frame up sa kanya para maghiganti.

14334793_1088258457953939_967146198_n

Ito ay inspired ng maikling kuwento na “God Sees The Truth But Waits” ng tanyag na Russian writer na si Leo Tolstoy.

Sa kanyang pagganap bilang Horacia, aminado ang dating ABS-CBN President at CEO at ngayo’y Chief Content Officer na nahirapan siya sa mga requirements ng kanyang role.

“Si Direk Lav kasi hindi nagka-cut. Mga 5 or 10 minutes, sorry ka na lang kapag nabigyan ka ng monologue. You really have to memorize dahil hindi ka puwedeng mag-adlib. You can’t change a word because his writing is very lyrical. Very poetic.  Iyong knowledge niya sa literature, gamit niya sa kanyang mga dialogue.  Kapag pinalitan mo kahit isang word, masisira iyong rhythm.”

Ibinida rin ni Charo na sa paghahanap ng katarungan ni Horacia ay kailangan niyang mag-disguise bilang isang creature of the night na ang pangalan ay Renata.

“I think, nakatulong na as a person, I’m observant. When you are acting kasi, you forget about yourself. It’s not about you anymore. It’s about the character you portray. Siyempre, with the feedbacks from other people and friends kung paano ba ang astig-astig. Sa disguise part, medyo bato-bato. May tigas nang konti. I guess, voice acting na rin”, esplika niya.

14280597_658331191014528_687498231_n

Hindi rin  malilimutan ni Charo ang ginawa niyang pagrampa sa Venice dahil nakadaupang-palad niya rito ang mga kilala at mga hinahangaan niyang movie personalities tulad nina Tom Ford, Sam Mendes, Nathalie Portman at maraming pang iba.

Tungkol naman sa hindi pagkakapili ng “Ang Babaeng Humayo” ng Film Academy of the Philippines bilang official entry sa best foreign language film category ng bansa sa Oscars 2017, iginagalang daw niya ang anumang desisyon ng nasabing collegial body.

“It’s not within our control. They have made the decision. Iba-iba naman ang panlasa ng mga miyembro ng screening committee ng FAP. Let’s just support the film they have chosen. Let’s just respect that”, pagwawakas ni Charo.

Ang “Ang Babaeng Humayo” ay grand movie comeback ni Charo na huling napanood sa blockbuster movie adaptation ng toprating Kapamilya drama series na “Esperanza”.

Bilang kauna-unahang Pinay actress na nagwagi ng best actress sa 1977 Asian Film Festival para sa pelikulang “Itim” ni Mike de Leon, muling magpapakitang-gilas si Charo sa “Ang Babaeng Humayo” na pinuri at inilarawan ng mga kritiko ang world-class performance bilang  “magnetic” at “very powerful”.

Tampok din sa “Ang Babaeng Humayo” ang premyadong actor na si John Lloyd Cruz sa kanyang natatanging pagganap bilang Hollanda, isang epileptic drag artist.

14240703_1829255957308262_1702842334_n

Kasama rin sa cast ng “Ang Babaeng Humayo” sina Michael de Mesa, Shamaine Centenera-Buencamino, Nonie Buencamino, Hazel Orencio, Marj Lorico, Mayen Estanero, Romelyn Sale, Julius Empredo, Lao Rodriguez, Jean Judith Javier, Mae Paner, Kakai Bautista, Jo-Ann Requiestas at Kyla Domingo.

Mula sa Cinemaone, Sine Olivia Pilipinas, at Star Cinema, ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan simula sa Setyembre 28.

Leave a comment