
Promising Fil-Am actor Anthony Diaz V stars in his first full-length feature “The Break”
Sampung taon pa l Nike Lunarestoa 2 Se Review ang ang Fil-Am actor na si Anthony Diaz V ay iba na ang kinahiligan niya.
Sa halip na computer at mga gadgets na siyang kinababaliwan ng mga kabataan, mas nahilig siyang manood ng mga action films na seryoso ang mga tema kaya masasabi mong isa siyang tunay na rebelde na progresibo ang pag-iisip.
Ilan sa mga paboritong pelikula niya ang “The Godfather,” “Taxi Driver,” “Reservoir Dogs,” “Pulp Fiction,” “El Mariachi,” “The Shawshank Redemption,” at marami pang iba.
Ito rin ang naging inspirasyon niya para mag-aral sa University of Las Vegas Film School (UNLV) na sa edad na 20 ay nakatapos ng filmmaking bilang pinakabatang graduate ng nasabing paaralan.
Natuto rin siyang mag-multi tasking bilang screenwriter, director, producer, actor at editor ng mga short films na ginawa niya.
Kinakitaan siya ng potensyal at sariling istilo sa mga acclaimed short films tulad ng “Delusion” at “Forgotten Heroes.”
Noong 2012, nagtayo siya ng kanyang sariling film production outfit na Kaizen Studios na naka-base sa Las Vegas, USA.
Noong 2013, nagkaroon ito ng satellite office sa Shibuya, Japan.
Malapit sa puso ni Anthony ang Japan dahil sa murang edad na 8 ay paboritong lugar na itong pasyalan ng kanyang pamilya.
Pero, wala sa hinagap niya na ang una pala niyang full-length feature ay gagawin sa “land of the morning sun” kaya masasabing isang tribute niya ito sa bansang tanyag sa sashimi, origami at cherry blossoms.
Unang full-length feature film ni Anthony ang pelikulang “Break” na tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang Japanese-American sa isang bansang hindi niya kinagisnan.
Makakatagpo niya rito ang iba’t-ibang elemento ng underworld sa paghahanap niya ng kanyang lugar sa bansang hindi siya sa tanggap.
Si Anthony Diaz ay ang tipo ng actor na maituturing na James Dean ng millennial generation, bilang isang rebeldeng may simulaing pinaglalaban na may ‘vibe’ ng isang Liam Neeson.
Katunayan, hindi lang sa aksyon, magaling si Anthony dahil ipinakita niya ang talento niya sa breakdancing sa isang eksena ng pelikulang “Break”.
Oozing with machismo and talent, si Anthony ang bagong screen hero na mamahalin ng masa.
Ayon pa kay Anthony, may pagkakahawig sila ng karakter niya sa “The Break”.
“The movie is not autobiographical at all. “Break” was actually inspired sa short film na ginawa ko before. I made it when I was 17 years old. It’s called ‘Lunch Break’ which I shot with my high school friends sa Vegas. Same iyong premise ng story niya na in-expand ko lang ang storyline with Japan as the backdrop,” aniya.
Dagdag pa niya, kaabang-abang daw ito dahil kakaiba ang tema at treatment ng pelikula.
“This film is really unique because it blends American storytelling with Japanese cinema na may element ng hip-hop. To my knowledge, first time na may film na may simultaneous English and Japanese language throughout the movie with supporting subtitles at nagawa namin ito sa “The Break” But most importantly, the overall theme is of a foreigner trying desperately to fit in in an alien territory. It is what most of us have experienced in some form or another especially iyong mga OFWs o nagpupunta sa ibang bansa,” pagtatapos niya.
Unang ipinalabas noong Abril sa isang special screening ang “Break” sa Japan.
Bago pa man ito mapanood sa prestihiyosong Sundance Film Festival, ito ay ipalalabas muna sa Pilipinas.