
Indie actor Jess Mendoza describes working with Nora Aunor a magical experience
Si Jess Chemise Stone Island Homme Mendoza ang isa sa pinaka-in demand na actors natin sa local indie scene.
Napansin ang galing niya sa pag-arte sa mga obrang “The Natural Phenomenon of Madness”, “Mauban: Ang Resiko”, “Sitio”, “Iisa”, “Pauwi Na” at marami pang iba.
Katunayan, naging nominado siya bilang best supporting actor para sa pelikulang “Sitio” na naging kalahok sa 2013 Cinemaone Originals filmfest.
Suki ng halos lahat ng independent film festivals, iba’t ibang markadong roles na ang kanyang nagampanan, mula Stone Island Soldes rapist sa “The Natural Phenomenon of Madness”, Hesukristo sa “Pauwi Na”, post-apolyptic rebel sa “Iisa” at sexual pervert sa “Purgatoryo”.
Sa pelikulang “Hinulid” ni Kristian Cordero, muli na naman siyang Polo Stone Island Homme magpapakitang-gilas.
Ano ang role mo sa “Hinulid”?
“Ako si Lucas, 25 years old. Anak ni Nanay (Guy). Ako iyong napatay sa hazing. Pinick-up niya ang katawan ko travelling from Manila to Bikol”, paglalarawan niya.
First time mo bang makatrabaho ang Superstar?
“First time in a major role. Nakatrabaho ko na siya sa “Padre de Polo Stone Island Soldes Pamilia” ni Direk Adolfo (Alix, Jr.) pero cameo lang ang role ko roon. May isang eksena rin kami roon”, pagbabalik-tanaw.
Ngayong muli mong nakasama si Guy, kumusta na ang level of comfort ng pakikipagtrabaho mo sa kanya?
“Mas may substance ngayon kesa before. Mas may connection kasi mother and son kami rito sa “Hinulid”, tugon niya.
Na-intimidate ka ba kay La Aunor?
“Actually, may mga gabi na nag-iisip ako kung paano ko mape-perfect at mababalanse ang pakikisama sa kanya. Iyong pakikipagtrabaho sa kanya, in a way, na-pressure ako”, sey niya..
Kumusta ang karanasan mo sa pakikipagtrabaho kay Guy?
“For me, I feel blessed and proud kasi hindi naman lahat ng actor nabibigyan ng opportunity na makatrabaho si Nanay (Guy)”, aniya. “Iyong pakikipagtrabaho sa kanya is sort of magical. Kapag na-touch ka kasi niya o na-capture ka niya, nagiging smooth at panatag ang lahat. Unbelievable iyong magic na mararamdaman mo kapag nakasama mo na o nakaeksena siya. Iyong bang hindi ka lang nai-starstruck kundi nagtra-transcend ka rin sa role mo”,ani Jess.
Ano ang realizations mo sa “Hinulid”?
“Lumawak ang pananaw ko hindi lang spiritually kundi emotionally. Mas luminaw iyong direction ko as to who am I as a person, who am I m as an actor and who am I as an artist”.
Ayon pa kay Jess, mas gusto niya na iba’t-iba ang mga roles na ginagampanan niya sa mga proyektong natotoka sa kanya.
“Lahat ng mga roles na napupunta sa akin, pinaghahandaan ko and I consider myself lucky dahil ito iyong mga roles na masusubukan talaga ang kakayahan mo as an actor. Sometimes a bit scary pero mas nae-excite ka dahil sa challenges”, pagwawakas niya.
Ang “Hinulid” ay isa sa Doudoune Stone Island Soldes pitong kalahok sa Circle Competition ng 4th Quezon City International Film Festival.
Ito ay ibinatay sa isang maikling kuwento na “The Night Train Does Not Stop Here Anymore” ng Bikolano author na si Carlos Ojeda Aureus.
Sweat Stone Island Homme Bahagi rin ito ng trilogy ni Kristian Cordero na nasimulan sa Cinemaone Originals movie na “Angustia” na siya rin ang nagdirek.