May 23, 2025
Drama King Christopher de Leon says Lovi has the makings of a great actress
Latest Articles

Drama King Christopher de Leon says Lovi has the makings of a great actress

Oct 24, 2016

Halos lahat ng mga leading ladies sa pelikula ay nangangarap na makatrabaho ang drama king na si Christopher de Leon.

Katunayan, karamihan ng mga leading ladies na nakatambal niya sa pelikula ay nanalo ng grand slam best actress awards sa iba’t-ibang prestihiyosong award-giving bodies.

Naging grandslam best actress ang kanyang ex na si Nora Aunor sa pelikulang “Tatlong Taong Diyos”.

Naging grandslam best actress din ang Star for all Seasons na si Vilma Santos sa pelikulang “Relasyon”, “Dahil Mahal Kita” (The Dolzura Cortez Story) at “Dekada ‘70”.

Ang Megastar naman na si Sharon Cuneta ay naging grandslam best actress sa “Madrasta”.

Naging grandslam best actress naman ang Bikolana actress na si Elizabeth Oropesa sa “Bulaklak ng Maynila”.

Naging paboritong leading man din siya ng mga A-list actresses tulad nina Lorna Tolentino,   Alice Dixson, Snooky, Maricel Soriano, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Ano ang feeling na lahat ng mga actresses natin ay nangangarap na makasama ka sa isang proyekto, mapa-pelikula man o telebisyon?

“I’m flattered. I’m honored. It’s really an honor to be in this position. I think God has been good, to me”, aniya.

Ano ang sa palagay mong dahilan at lahat halos ay gustong makapareha ka o makasama ka sa isang proyekto ?

 “My way of working kasi is I do believe in give and take. When I do a scene with my co-actor, I am actually very supportive. Kung may eksena ako with my leading lady ko, one hundred percent iyong ibinibigay kong suporta. I make her feel my energy”, paliwanag niya.
“It’s also because of ethics,aside from the give and take and teamwork that I consider important in this business. Importante kasi iyong respeto rin. You should also allow your co-actor to grow. Kaya kami  nagsha-shine sa mga movies namin ni Vilma, it’s because of the support system na ibinibigay namin sa isa’t isa in the same way na naka-grandslam ako dahil na rin sa tulong ng mga kaeksena ko”, dugtong niya.

Bakit maging ang mga baguhan at kahit hindi pa established na actors na gustong magdrama , pag tinanong mo, ang madalas na sagot nila nila ay gusto nilang maging isang drama king o Christopher de Leon?

“Siguro, iyong longevity. Pero, I think, they have their own career path naman , in the same way that I have my own as an actor”, ani Boyet.

Ayon pa kay Boyet, bilib siya sa professionalism at sense of commitment ni Lovi Poe, ang kanyang leading lady sa “The Escort” ng Regal Entertainment.

“She has the makings of a good actress”, papuri niya.

Dagdag pa niya, nagkasama na sila ni Lovi sa telebisyon sa GMA teleseryeng “Beautiful Strangers” pero ibang level daw ang pagsasama nila sa pelikula.

“Given more projects, she could shine as an actress”, pagtataya niya.

May love scene sina Boyet at Lovi sa pelikulang “The Escort” pero hindi raw sila nagkaroon ng ilangan.

“It’s kind of ironic dahil I played the son of FPJ sa “Aguila” and yet ngayon naman, ang katrabaho ko ay ang anak niya at may love scene pa kami”, pagbubunyag niya.

Napapanahon din ang tema ng pelikula tungkol sa mga escort agencies na nagiging front ng prostitution.

“Actually, hindi siya legit dito sa Pilipinas. Matatagpuan mo lang siya sa mga adult websites pero sa ibang bansa tulad sa States sa Nevada, legit siya. Minsan naa-amaze rin ako sa set up nila kung paano sila nag-o-operate. Hindi siya legal sa atin and it’s kinda messy if you go for it”, pagwawakas niya.

Papel ni Gary, isang real estate mogul na na-in love sa isang female escort na ginagampanan ni Lovi ang role ni Boyet sa erotic drama na “The Escort” na idinirehe ni Enzo Williams (Bonifacio, ang Unang Pangulo).

Bukod kay Lovi, kabituin din ni Boyet sina Derek Ramsay, Jean Garcia, Rommel Padilla, Dimples Romana, Jackie Lou Blanco, Albie Casino at marami pang iba.

cdl-655x937

Ang “The Escort” ay mapapanood na sa Nobyembre 2 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment