May 23, 2025
Khalil Ramos finds his niche in indie movies
Featured Latest Articles

Khalil Ramos finds his niche in indie movies

Nov 7, 2016
Hindi man aktibo si Khalil Ramos sa paggawa ng teleserye sa telebisyon, enjoy naman siya dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa pelikula.

 

Katunayan, pagkatapos na mapansin sa “Kid Kulafu” at “Honor Thy Father”, hataw siya sa paggawa ng indie. Tapos na niya ang tatlong pelikula kung saan siya ang bida at isa na rito ang Cinemaone Originals entry na “2 Cool 2 Be  4gotten” ni Direk Petersen Vargas.

 

“I miss doing teleseryes. Kung hindi man ako active sa TV, hindi ko siya dinisesyunan. Siguro, nakita ng management na puwede akong mag-shine kung magswi-switch ako sa movies”, panimula niya.

 

Hindi naman itinanggi ni Khalil na may mga pagkakataon na nagkaroon siya ng alinlangan sa takbo ng kanyang karera noon.

 

“Siyempre, sa generation namin, hopeful kami na magkakaroon ng teleserye. Minsan, late at night, naiisip ko kung saan ba talaga ako. Pero, na-realize ko na may mga bagay na hindi mo na puwedeng ipilit, even iyong pagsosolo o pagkakaroon mo ng love team. Kumbaga, ito iyong career path na pinili ko”, aniya.

 

khalil-in-2-cool

 

Enjoy din si Khalil sa paggawa ng pelikula dahil balak niyang i-pursue ang career sa filmmaking.

 

“Noon pa man nag-o-observe na ako sa mga direktors ko, sina Direk Paul (Soriano) at Direk Erik (Matti)  at nagtatanong-tanong na rin ako sa DOP at sa iba pang involved sa filmmaking to the point na in-enrol ko ang sarili ko sa film school sa La Salle. Plinaplano ko ring mag-apply ng scholarship sa New York”, lahad niya.

 

Challenging din para kay Khalil ang kanyang role sa pelikulang “2 Cool 2 Be  4gotten” dahil labas ito sa kanyang comfort zone.

 

“It’s  my first gay role. Closet gay ako rito. He’s a loner na nabago ang buhay nang makilala niya iyong half-American brothers played by  Ethan Salvador and Jameson Blake of Hashtags. Na-in love ako roon sa isa. It’s a coming of age movie and it’s a movie about coming to terms with one’s sexuality”, kuwento niya.“2 Cool 2 Be  4gotten”  dahil it’s about purpose. Going with the flow at kung sino ka sa sarili mo o ano ang purpose mo. I believe it would appeal to millenials”, dugtong  niya.

 

2-cool-stills

 

Ayon pa kay Khalil, hindi raw naman siya iyong tipong loner pero may mga pagkakataong gusto rin niyang mapag-isa para magmuni-muni sa mga bagay-bagay.
Nakaka-relate rin siya sa pelikula dahil siya man ay nakaranas ng peer pressure noong nag-aaral pa siya ng high school sa Colegio de San Agustin.
“When you’re young, you tend to  be adventurous. Gusto mong mag-explore  ng maraming bagay. Sa circle of friends ko, may mga bading pero hindi sila sobrang vocal o open. I’m happy that they are now accepted hindi tulad noon na dini-discriminate sila at iniiwasan at minsan ay naha-harass o binu-bully sa school”, paliwanag niya.

 

2-cool-stills2

Hindi naman big deal  kay Khalil ang paghuhubad , butt exposure o frontal nudity sa pelikula.
“Kung solid iyong character at hindi basta  gagawin lang  at nasa context ng story at ganoong siya ka-powerful sa context ng istorya, why not? If you want to grow as an actor, you must also be open to other possibilities and try out other things. Wala kang dapat ika-cancel out as long na wala siyang negatibong epekto sa career mo”, sey niya.
Gusto rin niya na makapagdirek ng kanyang sariling pelikula.
“Sana. May mga ideas na ako, kasi sa iskul, nakagawa na ako ng shorts. Siguro, pag confident na ako sa sarili ko”, pagtatapos niya.
Ayon pa kay Khalil, balak din niyang i-revive ang kanyang singing career lalo na’t isa na siya sa mga contract artists ng Cornerstone Talent and Management.

Leave a comment