May 24, 2025
Award winning actor Allen Dizon talks about his first Cinemaone Originals movie
Featured Latest Articles

Award winning actor Allen Dizon talks about his first Cinemaone Originals movie

Nov 15, 2016

Hataw sa paggawa ng indie films ang multi-awarded at critically acclaimed actor na si Allen Dizon na mapapanood sa “Malinak  ‘Ya  Labi” (Silent  Night), isa sa mga kalahok sa 2016 Cinemaone Originals ngayong Nobyembre.

 

First time ko ito sa Cinemaone kaya excited ako dahil bukod sa Cinemalaya, Sinag Maynila, gusto ko rin namang makagawa ng mga pelikula sa Cinemaone at iba pang film festivals. Iyong “Area” namin, nag-premiere din siya sa QCinema”, kuwento ni  Allen.

 

Ang “Malinak ‘Ya Labi” ay isang Pangasinense phrase na ang ibig sabihin ay payapang gabi. Titulo rin ito ng tanyag na kanta ng mga Pangasinense.


Bagong karakter na naman ang ginagampanan ni Allen sa “Malinak “Ya Labi” ni  Jose Abdel Langit.

 

Isang military ako na may love interest  sa katauhan ni Angeline (Quinto), isang titser, pero meron din akong relasyon kay Dexter (Doria) na asawa ng mayor. Tapos, meron pa siyang pamilya sa Pampanga”, pagbubunyag niya.

 

Ayon pa kay Allen, nagustuhan niya ang complexity ng kanyang character sa “Malinak ‘Ya  Labi”.

 

Iba iyong character ko rito. Complex siya at hindi mo aakalaing na gagawin niya iyong mga ginawa niya. Mabait siya pero meron pala siyang dark side”, ani Allen. “Iba rin iyong ginawang atake ni Direk Abdel sa mga characters dito, drama siya na may halong suspense at love story at ang daming nangyayari roon sa characters. Iyong mga characters, nangyayari sila sa isang lugar , nagkikita-kita sila pero hindi sila magkakakilala. Hindi rin siya iyong tipong commercial na napapanood natin dahil out of the box siya. May weird na characters. Iyong role ko parang killer iyong character na pumapatay ng tao pero ginagawa niya iyon para pagbintangan iyong ibang character  sa mga ginagawa niya. May konting remorse pero walang gratification “,  dugtong  niya.

 

Hindi rin itinago ni Allen na nagkaroon sila ng konting aberya sa paggawa ng pelikula.

 

Dahil first directorial job ito ni Direk Abdel, maraming adjustment. Hindi pa sumasabay lahat, hindi pa swabe kasi minsan hindi nasusunod iyong schedules kasi umuulan so ako naman as an actor, supportive naman ako sa kanya dahil first nga niya ito. Pero, mahusay din si Direk Abdel dahil may kanya siyang istilo”, paliwanag niya.

 

Puring-puri naman ni Allen ang kanyang leading lady na si Angeline sa pelikula.

 

Napaka-professional ni Angeline. Wala siyang kiyeme. Mahusay siya”, pagwawakas niya.

 

Sa “Malinak ‘Ya Labi” ay ipakikita ang tradisyon at paniniwala ng ilang bayan sa Pangasinan  na pagpatay ng mga hayup para ialay sa pagtatayo ng mga gusali o istruktura.

Sa tradisyong ito, nakabalot ang kuwento ng misteryo nang ang bangkay ng isang  batang lalake ay matagpuan malapit sa istruktura, kung saan manganganak ang mga sanga-sangang kuwento at mga serye ng pagpatay.

Bukod kay Angeline, kasama rin sa cast sina Althea Vega, Marcus Madrigal, Dexter Doria, Menggie Cobarrubias, Richard Quan, Luz Fernandez at marami pang iba.

Ang “Malinak ‘Ya  Labi” ang unang full-length feature ng TV director na si Jose Abdel Langit.

Bilang isa sa mga kalahok sa 2016 Cinemaone Originals, mapapanood ito  sa mga  piling sinehan mula Nobyembre 14 hanggang 22.

Leave a comment