May 23, 2025
Michael V., proud to produce new discoveries and promising comedians in ‘Bubble Gang’
Featured Latest Articles

Michael V., proud to produce new discoveries and promising comedians in ‘Bubble Gang’

Nov 15, 2016

21 years nang nagpapasaya ang longest running Kapuso gag show na Bubble Gang kung saan ang multi-awarded comedy actor na si Michael V. ang creative director.

 

Marami na ring mga artistang nabigyan ng break sa nasabing gag show na naging training ground nila para madiskubre ang kanilang talento sa pagpapatawa.

 

I’m proud na naging ganoon ang estado ng Bubble Gang although iyong hindi nagtagal , hindi talaga sila ‘cut’ for the show , pero I’m sure na meron silang kinalalagyan ngayon. Iyon namang  nagtagal sila talaga iyong mga karapat-dapat talaga sa show ”, aniya.

 

Malaki rin ang sampalataya niya sa bagong batch ng Bubble Gang na kinabibilangan nina Arra San Agustin, Arny Ross, Denise Barbacena, James Macasero,Jak Roberto, Jan Manual, Juancho Trivino, Kim Domingo, RJ Padilla, Rodfil Obeso, at Valeen Montenegro kasama na ang mga datihang sina Antonio Aquitania, Betong Sumaya,  Paolo Contis, Boy 2 Quizon, Jackie Rice, Chariz Solomon, Andrea Torres, Mikael Daez, Sef Cadayona, Diego Llorico at Myka Flores.

cast-of-bubble-gang

Itong batch na ito ay open for anything na sabihin namin. Willing silang matuto kaya madali silang matuto. With the guidance of Direk Bert de Leon who has been doing Todas and Iskul Bukol, napakalaking tulong ang nagagawa niya para i-guide sila”, ani  Michael.

 

Hindi rin ikinaila ni Michael na napakalaking responsibilidad sa kanya ang maging creative director ng naturang programa.

 

As usual palagi kaming nakasabay with the times. Kung ano iyong nangyayari sa paligid natin. Observe-observe lang”, sey niya.

 

Nakikita rin ni Michael na napalayo pa ng journey na lalakbayin ng Bubble Gang.

 

Hanggang nandiyan ang mga tao, hanggang may nangyayari na ‘change’ sa paligid sa industriya, sa pulitika, sa relihiyon. Hanggang merong news at current events na nangyayari, nandito kami  para gawan sila ng twists at katatawanan”, paliwanag niya.

 

Aminado rin siyang minsan ay may pagkakataong kinakapos ang creative (team) niya at nakararanas ng writers’ block.

 

Meron. Marami. Nangyayari talaga iyon. Grupo kasi kami so kapag down ang isa, I’m sure na umaandar din iyong iba kaya hindi kami nauubusan. Meron nangyayari talagang ganoon ”, pagpapatotoo niya.

 

Bilang isang multi-awarded comedy actor, naniniwala rin siya sa kasabihang “Comedy actors are born”.

 

I think, you’re born with it. Iyong timing and all. Iyong punchline kasi can be learned pero iyong delivery that’s another story. Kailangan kasi na may knack or feel ka for it. Kasi, kung wala, mahihirapan ka dahil you can only do so much”, pahayag niya.

 

Metikoloso rin siya pagsala ng mga materyal na gagamitin sa mga comedy skits ng Bubble Gang.

 

Most material na ako ang involved o ako iyong cast , nire-revise ko talaga iyong script if necessary. Kapag hindi nakakatawa, either na tinatanggal namin o nire-revise “, deklara niya. “At saka, we try to be original kahit na iyong mga lumang jokes na nagawa na, we try to give them a new different treatment at ito marahil ang sikreto ng staying power ng Bubble Gang”, pahabol niya.

 

Dagdag pa niya, may panuntunan siya kung paano makakapasa ang mga materyal o joke  na ginagamit nila sa Bubble Gang.

 

Dapat naiintindihan siya ng lahat mula sa cameramen, sa crew, sa cast. Minsan nga, kapag sinulat pa lang ng writer namin, pinababasa ko na sa utility namin,. Pag na-gets niya at natawa siya, puwede na iyon sa akin”.

 

Sa ika-21 taong anibersaryo ng Bubble Gang, kakaiba at espesyal na show ang ihahatid nila sa mga manonood.

 

21 gun salute ang tema dahil magbibigay kami ng tribute sa 21 best comedians sa Pilipinas. Pararangalan namin sila kahit iyong buhay at namayapa na. So, we will try to give the best of the best. Siyempre, asahan na diyan sina Dolphy, Panchito, Chiquito, Bert Tawa Marcelo , Tito, Vic and Joey and a lot more”, pagwawakas niya.

 

Bukod dito, marami pang pasabog at sorpresa ang dapat abangan sa Bubble Gang, kabilang na ang pagbabalik ng isang actor-singer na dating miyembro nila na hindi pa puwedeng i-disclose ang pangalan.

Leave a comment