June 9, 2025
Juancho Trivino reveals how his exposure on TV prepared him for the movies
Featured Latest Articles

Juancho Trivino reveals how his exposure on TV prepared him for the movies

Dec 2, 2016

Bentaheng maituturing ng Kapuso actor na si Juancho Trivino ang maging bahagi ng longest running gag show na “Bubble Gang”.

 

Actually, laking tulong siya. Naging training ground ito para sa akin. Doon sa pelikulang “Mang Kepweng Returns”, na-carry over ko siya. Kahit hindi kami ka-close noong cast, naging kumportable ako dahil naa-appreciate nila iyong ginagawa ko”, ayon kay Juancho.

 

Marami rin siyang natutunan sa pakikipagtrabaho niya sa mga kasama niya sa TV show na nagamit niya sa pelikula.

Sa comedy, very important iyong timing. Iyong delivery ng punchlines. Kung paano ka mapapatawa o kung paano mo kikilitiin iyong funny bones ng mga tao”, aniya.

 

Para kay Juancho, nakikita niya ang sariling magkaroon ng career sa comedy.

Mas at home ako sa comedy but I don’t mind doing drama or soap tulad noong “Magkaibang Mundo”. Ako kasi, goofy akong tao. Iyong iba kasi na good-looking, they tend to be conscious on how they look on screen. They tend to value kung paano sila magpro-project pero hindi ko sinasabing lahat. Ako kasi, I don’t mind making fun of myself,” pahayag niya.

 

Dagdag pa ni Juancho, bilang isang budding comedian, mas nacha-challenge siya sa situational kesa sa physical comedy.

Sa situational kasi, kailangan mong mag-isip at paghandaan. Sa physical kasi, magpapa-kengkoy-kengkoy ka lang, nakakatuwa na pero may binabagayan din. Iyong situational, mas kailangan mong i-maximize iyong creativity mo para makapagpatawa ka”, paliwanag niya.

 

Memorable rin kay Juancho ang episodes sa “Bubble Gang” kung saan ini-spoof niya ang Pambansang Bae na si Alden Richards kung saan nakilala ang love team nila ni Denise Barbacena na gumanap bilang Maine Mendoza.

Maganda kasi ang naging feedback at marami ang naka-relate at pati kami ni Denise nakilala bilang love team”, deklara niya.

juacho-trivino

Ayon pa kay Juancho, kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto rin niyang maging host ng kanyang sariling show.

Gusto kong mag-host ng show like iyong travel show ni Drew Arellano aside from acting. Kapag available ako, nagse-segment host ako “Unang Hirit” and  I go to remote places na nae-enjoy ko naman. Ibang challenge nga siya sa akin dahil hindi ko pa siya nagagawa”, sey niya.

 

Kahit physically endowed, ayaw namang makipagkumpetensiya ni Juancho kay Jak Roberto na kasama niya sa Bubble Gang pagdating sa pagpapalaki ng katawan.

Mas matindi ang ‘abs’ ni Jak. Lagi ko nga siyang tinatanong kung ano ang workout niya at iyong diet. Para sa akin, isa siyang inspirasyon at never akong na-intimidate sa kanya dahil I treat him like a brother”, pagwawakas niya.

Bagamat nakalabas na sa pelikulang “Pedro Calungsod:Batang Martir”, biggest break ni Juancho to date ang kanyang partisipasyon sa “Mang Kepweng Returns” kung saan kabituin niya ang magaling na dancer-comedian at TV host na si Vhong Navarro.

Leave a comment