May 23, 2025
Maja Salvador still believes in romantic love
Featured Latest Articles

Maja Salvador still believes in romantic love

Dec 2, 2016

Bagamat nagkasama na sila sa isang teleserye, isang  bago at kapana-panabik na tambalang pampelikula  ang nakatakdang mapanood sa mga sinehan sa susunod na taon. Ito ay ang tambalan nina Maja Salvador at Paulo Avelino sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You” ni JP Habac.

Nakagawa na kami ng pelikula noon, iyong “Status: It’s Complicated” pero hindi kami ang magka-love team. Si Solenn (Heusaff) ang kapartner niya at ako naman ay si Jake (Cuenca). Tapos nagka-partner kami sa “Bridges of Love”. Nagkaroon kami ng mga matitinding supporters and after the soap, maraming sobrang gusto kaming magkasama kaya ito iyong parang gift namin sa kanila,” panimula ni Maja.

 

Ayon kay Maja, iba ang level of comfort ng pakikipagtrabaho niyang muli kay Paulo.

Masarap na kasama ang isang tao na kumportable ka na tulad ni Paulo. Wala na kaming  hiyaan dahil nagagawa mo na iyong mga eksena na wala kayong ‘wall’, sey niya.

maja-s

Kung meron mang love o kissing scene sila sa pelikula, kampante din siya kay Paulo.

Kung hindi kasi si Paolo ang ka-eksena, baka umaga pa lang kabadong-kabado na ako. Ang preparation ko lang siguro sa iyong mag-tooth brush. Masarap na makatrabaho ang isang tao na pinagkakatiwalaan mo at alam mong aalagaan ka. So far naman, wala pa naman tayong naririnig na may nabastos siya sa mga ka-partners niya,” pagbubunyag niya.

 

Papel ng mag-best friends na naging lovers ang role nina Maja at Paulo sa “I’m Drunk, I Love You”.

Kung pagbabatayan ang titulo ng pelikula, ito ay isang ekspresyon ng isang taong may karga na ang lakas ng loob na ipagtapat ang kanyang nararamdaman ay nanggagaling sa espiritu ng alak.

Kuwento ni Maja, wala pa raw naman siyang naranasang nanligaw sa kanya na nasa espiritu ng alak.

Kung torpe talaga, painumin natin. Kanya-kanya naman iyan pero sa akin so far, wala pa naman akong naamoy sa mga  nagtangka sa akin at minsan, nasa intensyon din iyon,” aniya.

 

Iba rin ang pananaw ni Maja kung magwo-work ang relasyon ng mga lovers na nagsimula bilang best friends.

Siyempre, kung ang foundation ay friendship dahil matagal na kayong magkaibigan, parang ang hirap kung magne-next level na kayo. Hindi mo naman sigurado kung nain-love ka dahil kaibigan mo siya o talagang na-in love ka lang o kaya’y na-curious ka na lang na sige i-try natin na tayo na lang”, paliwanag niya.

 

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan sa pag-ibig, naniniwala pa rin siya sa romantic love.

Yes, you should. Ang sarap kaya ng feeling na ma-in love o iyong may minamahal ka o may nagmamahal sa iyo. Alam mo iyong feeling so bakit mo naman iblo-block lalo na kung may darating,” deklara niya

 

Mahirap din daw turuan ang puso kahit nagkamali na itong umibig, ayon sa kanya.

Kahit naman nag-promise ka, mauulit at mauulit pa rin. Hindi mo kasi mako-control ang love. Hindi mo mako-control kung ano ang kaya mong gawin for love. Masosorpresa ka lagi kung ano ang kayang gawin ng love,” matalinghaga niyang pahayag.

01

Sa puntong ito ng buhay ni Maja, masasabi niyang wala na ring ‘wall’ sa kanila ni Kim na isa niyang kaibigan pagkatapos ng kontrobersya sa kanilang tatlo ni Gerald.

Nagpahayag din si Maja ng kahandaang muli makatrabaho ang sinuman sa mga ito sa mga susunod na proyekto.

I’m willing to work with Gerald or with Kim, pero iyong kaming  tatlo ang magkakasama sa isang project, huwag na lang. Bakit ko naman  ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon na sobrang pagpipiyestahan kami. Kasi, pag nangyari iyon, ibabalik na naman at mauungkat iyong mga nangyari noon. So, this time, you have to be smart enough kung ano iyong mga projects na pipiliin mo,” pagwawakas niya.

 

Ang “I’m Drunk, I  Love You” ay isang offbeat romantic comedy na mula sa direksyon ni JP Habac at sa produksyon ng Articulo Uno Productions at TBA Films na siyang naghatid ng matagumpay na “Heneral Luna”, ang highest grossing Pinoy historical epic of all time.

Leave a comment