May 22, 2025
Observers say that it’s a competition between Paolo Ballestero’s “Die Beautiful” and Eugene Domingo’s “Ang Babae Sa Septic Tank 2”
Featured Latest Articles This is it!

Observers say that it’s a competition between Paolo Ballestero’s “Die Beautiful” and Eugene Domingo’s “Ang Babae Sa Septic Tank 2”

Dec 5, 2016
Isa ang pelikulang “Die Beautiful” sa walong entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2016 na bida rito si Paolo Ballesteros.  Maraming nagsasabi na ang nasabing pelikula at ang entry din na pelikula ni Eugene Domingo sa MMFF na “Ang Babae Sa Septic Tank 2” ang maglalaban sa pagiging number  one sa takilya.  Ito’y base sa trailer ng Die Beautiful at Ang Babae Sa Septic Tank 2 na pareho raw maganda at nakakaaliw.
Well, sana, di ba? “sabi ni Paolo nang kunin namin ang kanyang reaksyon tungkol dito.nang makausap namin siya sa kick-off activity ng MMFF 2016 na ginanap sa SM Skydome nung Linggo.

 

Dagdag niya,”Pero I’m sure naman lahat ng pelikula (na napili sa filmfest), pareparehas na magaganda. Ini-invite din naman namin lahat sila (moviegoers) na panoorin lahat, hindi lang yung amin para iba-iba rin ang mapanood nila

 

die-beautiful
Photo Credits: https://www.instagram.com/pochoy_29
May balita na nung una ay wala raw plano ang producer ng Die Beautiful  na isali ito sa MMFF. Pero nung nanalo raw si Paolo bilang Best Actor sa Tokyo International Filmfestival, dun na lang daw sila nag-decide na isali ito sa MMFF.
Ahh..hindi ko alam kina Perci (Intalan-producer ng pelikula) Pero ang alam ko kasi, they wanted to show it dito sa Pilipinas, Pero parang there’s no other way para maipalabas dito unless isali nila ito sa MMFF

 

Kung nanalo si Paolo bilang Best Actor sa Tokyo International Film Festvial , sigurado rin daw na sa darating na awards night ng MMFF sa December 27 ay sure winner na rin daw siya rito bilang Best Actor.  Ano ang rekasyon ni Paolo tungkol dito?
Sagot ni Paolo,”Hindi ako nag-i-expect no! Well, nakakatuwa kasi yun nga yung parang tingin ng mga tao..e di mas maganda (kung mananalo)..pero kung hindi naman, okey lang din. Siyempre its’ a competition, e di ba?

 

 

Paano ba niya ide-describe ang pelikula nilang Die Beautiful?
Napanood ninyo na yung trailer, di ba? It’s a comedy film tapos..pero goodluck sa inyo, magdala kayo ng panyo”ang natatawang sagot ni Paolo.

 

So may drama rin sa pelikula?
Halohalo ito, may comedy, may drama“.

Leave a comment