May 22, 2025
“Sobrang happy ko for that. Actually nung una pa lang, nung hiningan kami ng Star Records ng kanta para sa kanya, sobrang excited na ako.” – Marion Aunor on ‘Star Records’
Featured Latest Articles This is it!

“Sobrang happy ko for that. Actually nung una pa lang, nung hiningan kami ng Star Records ng kanta para sa kanya, sobrang excited na ako.” – Marion Aunor on ‘Star Records’

Dec 9, 2016
Bongga si  Marion Aunor,  huh!  Ang komposisyon kasi niyang Lantern ay isa sa mga kantang isasama sa bagong album na gagawin ni  Sharon  Cuneta  mula sa Star Records.  Nung nakausap namin kamakailan ang magaling na singer after ng kanyang show sa Historia Bar bilang bahagi ng kanyang bar tour, sinabi niyang masayang-masaya siya  sa pagkakapili ng Megastar sa kantang kanyang sinulat.
Sobrang happy ko for that. Actually nung una pa lang, nung hiningan kami ng Star Records ng kanta para sa kanya, sobrang excited na ako. Hindi ko alam kung anong klaseng song ang ibibigay ko sa kanya,”sabi ni Marion

 

Ayon pa kay Marion, ang proseso raw na ginawa ng Star Records ay silang mga baguhang composers ay hiningan ng kanta na ipinarinig kay Sharon at papipiliin ito kung anong kanta ang gusto niyang isama sa kanyang album. Pero dun sa mga kanta ay hindi sasabihin kung sino ang nag-compose. Luckily ang Lantern nga ni Marion ang isa sa napili ni Sharon.
Actually tatlo yung sinabmit kong songs. Sabi ko, sana makapasok at least one of those songs.
Sa tanong namin kay Marion na kung ang Lanten ba ay tungkol sa Pasko, ang sagot niya ay hindi.
Hindi siya tungkol sa Pasko,”ang natatawang sabi ni Marion.
Kasi dapat yung title nun ay Rise. Kaya lang kalalabas lang ng Rise ni Katy Perry.  So, baka isipin nila ginagaya ko, kaya nag-isip na l ang ako ng ibang title,”paliwanag pa ni Marion
It’s actually about yung kapag sobrang down ka na, nasa depression period ka na gusto mo nang mag-give up. Pero I will rise like a lantern in the sky, parang ganun

Samantala, mawawala raw sa bansa si Marion  sa February 10 dahil magkakaroon siya ng show sa Dubai. Talagang indemand sa shows abroad  ang dalaga ni Ms. Lala Aunor, huh!.

9f285e7b00a4110af8bf2fcfcd9629e0Sa interview ni Janella Salvador sa Tonight With Boy Abunda nung Wednesday ay nagsalita na siya sa isyung siya ang dahilan ng paghihiwalay ng ka-love team niyang si Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Nang lumipat kasi si Elmo sa ABS-CBN, ipinareha siya kay Janella sa Born For You. Naging close ang dalawa dahilan upang isipin ng marami na siya ang third party sa paghihiwalay ng aktor at ni Janine
I’m actually the very first one to find out. We’re very open naman with each other. We tell each other things. That’s why we’re close. We can tell each other everything naman,” sabi ni Janella.
Hindi rin daw nagulat si Janella nang siya ang pagbintangang third party sa hiwalayan nina Elmo at Janine.
If something like this happens, people are really going to say something siyempre, because I’m his partner right now, his ka-love team. Of course, they are going to put the blame on me and I’ve expected that. But I can say that I really have nothing to do with it, and that’s it, I have nothing to do with it.

bny-new-gen-grand-winnersNaging  matagumpay ang ginanap na BNY Search for the NextGen Ambassadors last Sunday sa Kia Theater. Dinaluhan ito ng mga BNY endorsers na sina Jake Vargas, Michelle Vito, Joshua Garcia at Barbie Forteza na sila ang opening number sa show.  20 male and  female finalists ang naglaban laban mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. Present bilang isa sa mga hurado ang pioneer endorser ng BNY Jeans na si Gellie de Belen kasama pa sina Wilma Doesn’t ,Michael Carandang at Xander Angeles. Ilan naman sa mga naging performers ay sina CJ Navato, Kristel Fulgar, Bryan Santos, Marlann Flores, Jem Cubil, Girltrends, Claire Hartell at Pamu Pamorada. Sa huli tinanghal na BNY’s NextGen Ambassadors sina Markus Paterson (no.16) at Nicole Grimalt (no. 9).

Leave a comment