
Natsumi Saito fulfills dream as self-entitled album is set to launch
Ang produkto ng ‘The Voice Kids’ Season 1 na si Natsumi Saito ay isa nang ganap na recording artist pagkatapos siyang i-produce ng album ng tumatayo niyang manager at vocal coach, ang mahusay na singer/composer na si Joel Mendoza. Soon ay ire-release na ang debut album niya simply titled ‘NATSUMI’ na ang executive producer ay ang Star Music at ang kanyang mommy Carmi.
The Album includes the ‘cool-hip-youthful’, ‘Para Lang Sa’yo’ , ‘Nanaginip Ba Ng Gising’ , the inspirational ‘Hero in My Heart,’ ‘A song for all the mother,’ ‘Personally requested by Natsurmi for her Mom,’ The R&B ‘ It’s Never Easy,’ and the dance track ‘Hard To Get’ at ang revival na ‘Ikaw Lang Talaga’. All songs were recorded, mixed and mastered by Vehnee at Saturno Recording Studio.
Hindi makapaniwala si Natsumi na natupad na rin ang long-time dream niya na maging isang singer. Hindi raw niya inakala na mangyayari ito sa kanya. Kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa kanyang mommy Carmi, Joel at Star Music na tinupad ng mga ito ang kanyang pangarap. Ang album nga raw niya ay tribute niya sa kanyang ina na isang OFW sa Japan.
“Alam ko po ang paghihirap ni mama sa pagtatrabaho at yung sakrispisyo niya kaya naman gagawin ko po ang lahat para mag-hit ang mga ni-record ko na kanta,” sabi ni Natsumi nang makausap namin.
Tungkol naman kay Joel, ang sabi niya ay, “Nung una po talaga, medyo natakot po ako kay tito Joel dahil nakitaan ko po siya ng kaistriktuhan sa pagtuturo. Very passionate siya. May mga times din po na naiiyak ako ‘pag ‘di ko nagagawa ‘yung mga itinuturo niya sa akin pero dun po ako natututo. Napaka-hands on niya. Itinuturing niya kaming anak. Magaling siya as coach, tatay, guardian”.
In fairness, Magaganda ang songs na nakapaloob sa album ni Natsumi, Plus under Star Music pa ito, Kaya naniniwala kami na magiging hit ito once nai-release na ito sa mga record bars.
Dahil sa success ng latest movie niya with Coco Martin na ‘The Super Parental Guardians’ kaya nagkaroon ng thankgiving party si Vice Ganda para sa mga kaibigan niya sa entertainment press na sumusuporta at nagmamahal sa kanya, na isa kami run.
Sa sinasabi ng iba, na ang pelikula niya ay kumikita lang daw kapag palabas ito sa Metro Manila Filmfestival, ayaw sabihin ni Vice na vindicated siya. Pero at least napatunayan daw niya na kahit hindi MMFF ay kumikita at tinatangkilik ang kanyang pelikula. May ilang pelikula na rin naman daw siya na hindi ipinalabas during filmfest gaya ng Praybeyt Benjamin, Petrang Kabayo, This Guy’s Inlove with You Mare, pero pawang pinilahan naman daw ito sa takilya.
Sa pagiging successful niya sa kanyang career bilang isang artista, singer, TV host at product endorser ay wala na raw mahihiling pa sa buhay ang mahusay na komedyante. Ang wish niya lang daw ay in good health lagi ang kanyang ina, na sobra niyang raw mahal na hindi niya kayang mawala ito sa kanyang buhay. Teary-eyed nga si Vice nung mabanggit ang pinakamamahal na ina.
Sa Paris daw ipagdiriwang ni Vice ang Pasko kasama ang kanyang ina, at ang kanyang buong pamilya with his Team Vice. Inamin niyang masaya ang puso niya ngayon, dahil sa kanyang karelasyon. pero hindi raw niya makakasama sa kanyang Paris trip asng lalaking nagpapatiibok ngayon ng kanyang puso.
Kahit hindi napili ang pelikula nilang ‘The Super Parental Guardians’ sa walong pelikulang kasali sa MMFF ay willing pa rin daw si Vice na sumali sa taunang filmfest.