
Direk Jun Lana on Paolo Ballesteros: “He won’t be typecasted in gender bending roles
Pagkatapos papanalunin si Eugene Domingo bilang best actress Nike Free Fs Lite Run 2 sa Tokyo International Film Festival noong 2013 para sa pelikulang ‘Barber’s Tales‘, gumawa na naman ng kasaysayan ang award-winning director na si Jun Lana sa pagwawagi ni Paolo Ballesteros bilang best actor para sa pelikulang ‘Die Beautiful‘ sa nasabing A list international filmfest noong Nobyembre.
“I’m really happy for Pao kasi noong umalis siya ng Pilipinas, he’s known for his comedic skills and as a TV host, pero pagbalik niya, he’s a star and I know, pagtagal niya sa industriya, he could even be a bigger star because he is such a talented actor,” aniya.
Para kay Direk Jun, isang napapanahon at makabuluhang pelikula ang ‘Die Beautiful’ na gusto niyang mapanood ng kanyang mga kababayan kaya’t happy siya na nakapasok ito sa magic eight sa 2016 Metro Manila Film Festival.
“Die Beautiful is about living life to the fullest. Living in the moment and enjoying every moment no matter how long or short your life is. Tulad ng kuwento ni Trisha na may isa siyang gustong mangyari bago siya mamatay. Gusto niyang maging beauty queen . Ang importante rito ay kung paano niya isinabuhay iyong pangarap niya habang ini-explore din ang relationship niya sa anak niya at sa mga taong nakapaligid sa kanya ”, paliwanag niya.
Dagdag pa niya, relatable raw ang kuwento ng ‘Die Beautiful‘.
“It’s really more of a comedy na may kurot sa puso, na may lungkot pero masaya siyang panoorin dahil hindi siya mabigat at hindi depressing. Hindi rin siya ginawa para maging butt of jokes or to make fun of gay or transgender characters pero matatawa ka sa pelikula dahil sa mga situwasyon at para ipakita rin ang dignidad nila bilang tao,” ani Direk Jun.
Hindi naman naniniwala si Direk Jun na mata-type cast si Paolo sa gay or gender-bending roles pagkatapos niyang manalo sa pelikulang ‘Die Beautiful‘.
“Hindi naman siya mata-type cast dahil Paolo is good actor. Siguro, mas hinahanap lang siya sa mga roles na nangangailangan ng makeup transformation tulad ng ginagawa niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga as Lola Tidora, pero hindi naman kailangang bakla siya,” depensa niya.
Ayon pa sa kanya, credible din si Paolo kahit sa straight guy roles.