May 23, 2025
Vhong Navarro relives Chiquito’s legacy in “Mang Kepweng Returns”
Featured Latest Articles

Vhong Navarro relives Chiquito’s legacy in “Mang Kepweng Returns”

Dec 27, 2016

Nakalabas na si Vhong Navarro bilang Agent X44 na pinasikat ng James Bond of the Philippines na si Tony Ferrer, pero ibang level para sa TV host-comedian ang mabigyan ng pagkakataon na magampanan ang iconic role na Mang Kepweng na unang binigyang buhay ng  comic legend na si Chiquito.

 

Napanood ko siya pero hindi ko siya naabutan. Mga 7 or 8 years old pa lang ako nang mapanood ko ang pelikula niya”, pagbabalik-tanaw niya.

 

Ayon kay Vhong, malaki ang impluwensiya ni Chiquito sa kanyang buhay at ebolusyon bilang komedyante.

 

Mahilig kasi ako sa mga comedians na magaling magsayaw gaya nina Tito Dolphy,  Papang at Jim Carrey, kaya nakaka-relate ako”, aniya.

 

Kahit hindi nakatrabaho ni Vhong si Chiquito, happy din siya dahil nakasama niya ito sa “Mang Kepweng Returns”.

 

In spirit kasama ko siya”, sey niya. “I play kasi iyong anak ni Chiquito sa pelikula so thru CGI, may interaction kami rito”, dugtong niya.

picture-5

Bagamat pinagbasehan ng kuwento ang orihinal na karakter  na Mang Kepweng sa pelikula, sinabi ni  Vhong na nagdagdag sila ng mga makabagong twists para maging updated ang kuwento nito at maka-relate ang mga millenials.

 

Masaya rin si Vhong dahil nakatrabaho niya ang bagong pantasya ng mga kalalakihan na si Kim Domingo na lumalabas bilang Alyssa, ang asawa niya sa pelikula.

 

Sa pelikula kasi, ito iyong pagkakataon na nagkakasama ang Kapamilya, Kapuso at Kapatid so happy ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na makatrabaho sila”, sey niya. “Nakaka-flatter din dahil ito iyong project na tinanggap ni Ms. Jaclyn Jose pagkatapos niyang manalo ng best actress sa Cannes, so iba iyong excitement”, pahabol niya.

 

Hirit pa ni Vhong, kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto rin niyang gampanan ang mga roles nina “Asyong Aksaya” at “Mr. Wong” na pinasikat ni  Papang Chiquito.

 

Kahit hindi nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival, hopeful naman si Vhong na tatangkilikin ng madlang pipol ang kanyang pelikulang “Mang Kepweng Returns”.

 

Noong una, kabado kasi dahil baka ubos na ang pera ng mga tao after filmfest pero may nakita akong good sign dahil pumatak ang playdate niya sa mismong birthday ko which is January 4, so sana mabigyan sana nila ng pagkakataong mapanood ang pelikulang pinaghirapan namin”, ani Vhong.

picture-2

Dagdag pa niya, maganda rin ang vibes niya sa  pelikula.

 

Iyon kasing “Bulong”, naging opening salvo ko rin siya noon. Ako naman, minsan ang vibes ko, nagkakatotoo, minsan hindi pero gusto ko lang mag-entertain ng positive vibes in the coming year”, deklara niya.

 

On the personal side, hindi naman ikinaila ng aktor na marami siyang pinagdaanan nang nakaraang taon.

 

Tuloy pa rin iyong kaso, kaya kapag nagpupunta nga ako ng hearing, bumabalik minsan iyong trauma ng pinagdaanan ko. Ang iniisip ko na lang, kahit may pinagdadaanan akong personal, kaya ko pa ring pasayahin iyong mga taong nagtitiwala sa aking kakayahan at nariyan ang aking girlfriend na si Tanya who stood by me through thick and thin”,naluluha niyang pahayag.

picture-7

Ang tinutukoy ni Vhong ay ang kasong serious illegal detention na isinampa kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang kasamahan ng mga ito.

 

Ayaw naman ni Vhong  na magpa-pressure dahil sa engagement ng kanyang co-hosts sa “It’s Showtime” na sina Anne Curtis sa boyfriend nitong si Erwann Heusaff at  Billy Crawford sa girlfriend nitong si Coleen Garcia.

 

May time frame din ako dapat pero feeling ko, hindi aabot. Alam naman ni Tanya kung ano iyong dapat pang asikasuhin namin at priorities”, aniya. “Darating din tayo riyan pero ayaw naman naming makipag-compete o ma-pressure dahil relasyon ang pinag-uusapan dito”, pagwawakas niya.

 

Mula sa direksyon ni Gb Sampedro (Astig, Separados), ang “Mang Kepweng Returns” ay nagtatampok din kina Kim Domingo, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes, Sunshine Cruz, Juancho Trivino, James Blanco, Pen Medina, Valeen Montenegro, Jhong Hilario, Jackie Rice, Jobert Austria, Alex Calleja, Balang, Josh de Guzman, Chun Sa, Crazy Duo, Xia Vigor, Tuko, Gerhard Acao, Petite at marami pang iba.
Ito ay sa produksyon ng Cineko Production at mapapanood sa lahat ng mga sinehan sa buong kapuluan simula sa Enero 4, 2017.

Leave a comment