
Jackie Rice wants to be independent
Pagkatapos mag-promote ng kanyang pelikulang “Free Range”, dalawang buwan ding nawala sa sirkulasyon si Jackie Rice.
May mga espekulasyon noon na iiwan na niya ang showbiz para lumagay sa tahimik pero pinabulaanan niya ito.
“That’s not true. Nagbakasyon ako ng two months dahil gusto kong ma-meet iyong mga relatives ng Daddy ko. Nagpaalam naman ako sa Artist Center at pinayagan nila ako. It’s about time kasi dahil gusto kong makasama ang Daddy ko kaso hindi na siya nagtra-travel nang malayo kaya ako na lang ang pumunta”, bungad ni Jackie.
Ayon sa kanya, nag-enjoy siya sa kanyang dalawang buwan bakasyon dahil marami siyang natutunan sa pagiging independent.
“Gumimik ako kasama ang mga relatives ko. Nag-enjoy ako dahil na-experience ko ang maging independent, kasi dito sa Pilipinas, sobrang baby ako. Pumunta lang ako sa nanay ko, ipaghahanda na niya ako ng plato”, tsika niya. “Doon, natuto akong maging independent. To do household chores on my own dahil wala naman akong aasahang iba”, dugtong niya.

Pagbabalik niya, inamin niyang na-miss niya ang showbiz.
Glad siya na kasama siya sa celebration ng 21st year anniversary ng longest running gag show na “Bubble Gang”.
“Hindi ko ini-expect na ganito tatagal ang Bubble Gang. Bata pa lang ako, nanonood na ako ng Bubble Gang. Pagkapanalo ko sa “Starstruck”, naggue-guest na ako sa roon. Never kong na-imagine na magiging part ako ng show. Masayang-masaya ako dahil nabigyan ako ng chance na maipakita iyong other side ni Jackie Rice as a comedienne”, aniya.
Kahit nawala na at nag-iba ng career paths ang mga kapanabayan niyang sina Sam Pinto at Gwen Zamora, nananatiling loyal si Jackie bilang Kapuso.
“Kaya nga survivor ng Starstruck, di ba? Dream, believe, survive. Actually, kung saan sila masaya, doon ako. Happy naman ako dahil hindi ako nawawalan ng projects sa GMA”, sey ni Jackie.
Kung minsan mang nanamlay ang kanyang career ay wala siyang sinisisi.
“Choice ko rin iyon. Tina-try naman nila ang best nila para tumulong sa career ko pero depende na rin iyon sa akin kung paano tatanggapin iyong mga inio-offer nila sa akin”, paliwanag niya.
Kahit karamihan sa mga komedyante natin ay napapatawa ang kanilang audience sa kanilang mga hitsura, naniniwala naman si Jackie na hindi ‘disadvantage’ ang pagiging mestisa at maganda niya para epektibo siyang makapagpatawa.