
How Jake describes Angeline
Maraming katangian ang singer-actress na si Angeline Quinto na ikinabilib ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca.
Isa na rito ang pagiging ispiritwal nito na sa totoong buhay ay deboto ng Poong Nazareno na hindi ininda ang paglakad sa traslacion para maitawid ang kanyang pananampalataya.
Puring-puri rin niya ang pagiging down-to-earth ni Angeline.
“Mas naging grounded ako noong makatrabaho ko siya. Nag-aral ako sa States and for a while naging foreign rin ang aking orientation even with my ex. Working with her reminded me of my roots. Sa experience ko sa kanya, na-remind ako to always keep (myself) grounded. Pati nga iyong love for OPM, nakaka-inspire,” dugtong niya.
Aminado naman si Jake na malayo ang personalidad ni Angeline sa mga babaeng naka-relasyon o na-link sa kanya.
“Kaiba siya, and I admire iyong simplicity niya and I think, naroon ang charm niya,” sey niya.
Honored din siya na siya ang tanging kapareha ni Angeline na nagbinyag dito sa mga matitinding kissing scenes.
“Hindi naman ako iyong naging coach niya pero first time kasi niya na gawin iyon so wala talaga sa comfort zone niya. Alam kong kinakabahan siya pero inalagaan ko naman siya at inalalayan sa mga eksena naming,” kuwento pa niya.
Loveless ngayon si Jake at kinumpirma niya na talagang final na ang naging breakup nila ng kanyang estranged model girlfriend na US based na si Sarah Grace Kelley.
“We remain friends naman. Hindi lang siya nag-work out,” pagtatapat niya.
Gusto ni Jake na mag-concentrate muna sa kanyang career lalo pa’t napakaganda ng pasok ng 2017 sa kanya dahil may buwena mano siyang pelikula sa Regal at isang teleserye sa Dos.
Hindi rin ikinaila ni Jake na may mga ibang bagay na nagawa siya sa ngalan ng pag-ibig.
“Pag in love ka, you do a lot of foolish things. Pag mahal mo ang isang tao, may mga bagay na minsan ginagawa mo na wala sa karakter mo. In my case, at one point, iyong ilagay sa pedestal iyong minahal mo at naging sentro siya ng buhay mo. Para sa akin kasi, mas magandang magmahal ka nang wala kang pinipigilan sa sarili mo. Iyong pag nagmahal ka, wala kang naging ‘regrets’ dahil ibinigay mo ang lahat,” pagwawakas ni Jake.
Maraming kaabang-abang na mga eksena sina Jake at Angeline sa “Foolish Love” lalo na iyong mga todo-bigay nilang halikan at lampungan sa pelikula.
Bukod kay Angeline, tampok din sa “Foolish Love” ang kilig na tambalang Tomiho, kasama sina Cai Cortez, Jerald Napoles, Beverly Salviejo at marami pang iba.
Mula sa direksyon ng multi-award winning director na si Joel Lamangan, palabas na ang “Foolish Love” sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Enero 25.