May 25, 2025
Pambansang Sidekick’s reason on leaving “Ang Probinsyano.”
Latest Articles

Pambansang Sidekick’s reason on leaving “Ang Probinsyano.”

Jan 20, 2017

Napakalaki nang nagawa kay Pepe Herrera o ang “Pambansang Sidekick” ng kanyang exposure sa FPJ’s Ang Probinsyano  para makilala siya at mapalapit sa masa.

Bagamat nabawasan ang kanyang privacy, tanggap niya ang mga pagbabagong ito sa kanyang buhay.

“Minsan, bihira na lang ako nakakalabas at hindi na ako nakakapag-window shopping, pero hindi naman ako nagrereklamo, lalo na’t may mga fans at mga bata ang nagpapa-picture,” aniya.

Bagamat nalungkot siya sa pagkamatay ng kanyang character na si Benny sa teleserye, maluwag naman ito sa kalooban ni Pepe.

“Hanggang doon na lang iyong character. Noon pa namang November nag-usap na kami ni Coco at na-extend lang siya,” sey niya.

Dagdag pa ni Pepe, gusto rin niyang pansamantalang magpahinga sa paggawa ng teleserye dahil ayaw niyang mag-suffer ang kanyang kalusugan.

“Bago pa man ako nakapasok sa “Ang Probinsyano”, magkakilala na kami ni Coco. Nagkasama kasi kami sa “You’re My Boss”, iyong movie niya with Toni,” kuwento niya.

Sa lakas ng recall ng kanyang karakter, hindi rin nagwo-worry si Pepe na ma-typecast siya bilang sidekick ng mga bida sa mga susunod niyang projects.

Katunayan, seryoso ang kanyang role sa “Sakaling Hindi Makarating” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Paul, ang mahiyaing  kapitbahay ni Cielo (Alessandra) na may lihim na pag-ibig sa dalaga.

Sa pelikulang ito, nanalo siya ng best actor award sa 2016 Cine Filipino film festival.

Aminado rin si Pepe na may pagkatorpe siya pagdating sa pag-ibig.

“Ever since naman, mahilig akong magsulat. Sinusulatan ko pati ang sarili ko. Nagbibigay din ako ng sulat lalo na kapag malalim ang feelings ko,” pagtatapat niya.

May girlfriend din si Pepe na isang theater actress pero ang kanilang relasyon ay hindi nagtagal dahil  hindi magkatugma ang kanilang mga prayoridad sa buhay.

Wala naman sa plano ni Pepe na mag-audition sa mga international productions sa pag-a-abraod niya pero hindi naman isinasara ang posibilidad na makapagtrabaho sa global stage.

Bago pa man nakilala sa TV, isang magaling at award-winning theater actor si Pepe na tumatak ang galing sa mga Pinoy musicals tulad ng “Rak of Aegis”.

Sa kasalukuyan, nasa rock musical siya na “Sa Wakas” kung saan tampok ang mga awiting pinasikat ng Sugarfree at ni Ebe Dancel.

 

Leave a comment