May 22, 2025
JC Santos has no problems with gender-bending roles
Latest Articles

JC Santos has no problems with gender-bending roles

Jan 23, 2017

Successful crossover artist na maituturing si JC Santos dahil matagumpay siyang nakatawid mula sa mundo ng teatro patungo sa pelikula at telebisyon.

Nakilala siya bilang isang magaling na theater actor at ito ang naging pasaporte niya para mai-launch siya bilang isa sa mga bida ng kontrobersyal at mapangahas na ‘homoerotic’ na pelikulang “Esprit de Corps” ni Kanakan Balintagos para sa 2014 Cinemaone Originals kung saan walang takot siyang naghubad at nakipaglaplapan kina Sandino Martin at Lharby Policarpio.

Naging bukambibig din ang kanyang pangalan nang mapasama siya sa kilig-seryeng “Till I Met You” kung saan ginampanan niya ang role ni Ali, ang closeted gay na best friend ni Nadine (Lustre) na may gusto kay James (Reid).

Dahil sa kanyang popularidad at epektibong pagganap, lumawak ang kanyang fan base.

Dahil din sa pagiging convincing niyang actor, hindi maiaalis na may magduda sa kanyang sekswalidad,  pero para kay JC, secure siya sa kanyang pagka-lalake.

Going strong ang relationship niya sa theater actress na si Joan “Teetin” Villanueva at hindi siya nahihiyang aminin ito.

“Proud ako na naa-appreciate nila ako sa mga roles na pino-portray ko. Iyong mga compliments na natatanggap ko, iyon ang nagsisilbing inspirasyon para pagbutihin ko pa ang aking craft,” aniya.

Ayon pa kay JC, hindi siya natatakot na ma-typecast sa mga gay or gender-bending roles.

“It’s only a role for me. Part lang siya ng trabaho ko bilang actor,” sey niya.

Hindi rin big deal kay JC ang nudity tulad ng ginawa niyang paghuhubad sa “Esprit de Corps.”

“Basta ang role, okay sa akin at challenging. Basta gusto ko ang iskrip at ang role, gagawin ko,” pahayag niya. “Lahat naman ng role, there’s a story to tell. Kailangan lang siyang marinig at mapanood ng mga tao,” dugtong niya.

Isa si JC sa mga bida sa “Sakaling Hindi Makarating” kung saan ginagampanan niya ang role ni Manuel, isang probinsyano na umibig kay Cielo, (Alessandra) isang babaeng sawi sa pag-ibig.

Dahil sa conflict sa schedule, muntik nang mapalitan si JC ni Jericho Rosales sa kanyang role  pero happy siya dahil ipinaglaban siya ng kanyang director na si Ice Idanan para ma-retain sa nasabing pelikula.

Ang “Sakaling Hindi Makarating” na naging kalahok sa 2nd Cine Filipino Film Festival ay kuwento ng isang babaeng sawi sa pag-ibig na naghahanap ng isang anonymous letter sender.

Paliwanag pa ni JC, nakaka-relate siya sa pelikula dahil siya man ay mahilig gumawa ng sulat.

“Laking OFW kasi ako. OFW ang mga parents ko. Dating seaman ang Daddy ko at kapag paalis siya, naglalagay at nagpapabaon ako ng sulat sa bag niya. Ganoon din sa Mommy ko,” aniya.

Leave a comment