May 23, 2025
Paulo Avelino hopes to revive his singing career; clears alcohol rumors
Latest Articles

Paulo Avelino hopes to revive his singing career; clears alcohol rumors

Feb 10, 2017

Natutuwa si Paulo Avelino dahil nagamit niya ang kanyang talent bilang singer sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You”, ang Valentine offering ng Articulo Uno at Buchi Boy Films.

“Iyong music kasi plays an integral part of the film. Both Maja and I performed covers of songs featured in the movie and even in the official soundtrack album,” kwento niya.

paulo-and-maja

Ayon pa kay Paulo, nakaka-relate siya sa bagong movie nila ni Maja dahil sa ‘vibe’ nito.

 “One of the reasons kaya ginawa ko iyong project is because the story is quite close to my heart. The setting remin­ded me so much of the time when I was still studying. Iyong mga gimik ng barkada noong mga panahong iyon. And somehow, iyong songs featured in the movie adds to that nostalgic feel,” aniya.

Happy din siya dahil nagpaunlak si John Lloyd Cruz na mag-cameo appearance sa kanyang music video na “Lloydy” bilang promo video ng nasabing pelikula.

“Flattered ako na napagbigyan niya kami. Siyempre, it’s a big plus kapag kasama mo si Lloydie, so I’m very thankful to him,” ani Paulo.

Hindi lang isang magaling na aktor si Paulo dahil isa rin siyang singer sa tunay na buhay.

Nagkaroon na siya noon ng self-titled album under Universal Records. First single niya ang “When She Cries” at naging second single niya ang “Your Love” na isang iconic song noong ‘90s.

“Bata pa lang kasi ako fan na ako ng mga banda like Parokya ni Edgar at Eraserheads, kaya pumasok sa isip ko na subukan din siya,” bulalas niya.

Busy si Paulo sa kanyang acting career pero kung may panahon siya, gusto niyang i-revive ang kanyang singing career.

“Siguro pag may time, puwede kong maisingit. Pero sa ngayon, naka-focus muna ako sa movies at teleseryes,” sey niya.

Nilinaw naman ni Paulo ang isyu tungkol sa alchohol rumors dahil naba-blind item na siya raw ay isang tomador.

“Hindi ko nga alam kung saan nanggaling iyan. Umiinom ako paminsan-minsan, pero moderately lamang at kapag may okasyon, pero I’m not even an alcoholic. Kailangan kong mag-report nang nasa kundisyon sa work so I can’t afford na magpakalasing,” paglilinaw niya. “Siguro, nagsimula iyan dahil product endorser ako ng isang brand ng alak,” dugtong niya.

Malapit na rin siyang mapanood sa Kapamilya teleseryeng “The Promise of Forever” under Dreamscape Entertainment kung saan kasama niya sina Ritz Azul at Ejay Falcon.

Leave a comment