
Paulo Avelino shares heartbreak experience
Aminado ang bidang lalaki ng “Im Drunk, I love You” na si Paulo Avelino na nakaranas na siya na masaktan, mabigo at umasa pagdating sa pag-ibig.
Sinabi rin niya na dumating sa kaniyang buhay na nagawa niyang magtapat ng kaniyang nararamdam sa isang babae nang malasing siya.
Mas lumalakas raw ang kaniyang loob kapag siya ay nakainom. Ito ang isang bagay na hindi niya inilihim at talagang nagawa niya sa kaniyang buhay.
Ngayong panahong ito ay umiinom pa rin daw siya pero madalang na lang at may control na siya.
Puwede na raw niya ngayong sabihin ang kaniyang feelings kapag may nararamdaman siya sa babae pero aminado siya na minsan ay nauunahan siya ng takot at kaba.
Ang mga pinagdaanang ito ni Paulo sa totoong buhay ay may pagkakatulad sa bago niyang pelikulang “Im Drunk, I love You” na ayon sa mga nakapanood na ay napakagandang pelikula nito at sulit ang ibabayad sa sinehan.
Ibang-iba raw ito sa mga romcom movies na nakasanayan nang panoorin.
Hindi lang basta kilig ang mapapanood dito kundi magsisilbing aral din ito sa mga may minamahal at nagmamahal.

Sa pelikula ring ito, lalong tumibay ang samahan nila ni Maja Salvador na sabi-sabi’y higit pa sa magkaibigan ang turingan ngayon na bagay na idini-deny nila ni Paulo.
Palabas na ito ngayon sa mga sinehan at huwag palampasin ito na sinasabing nagpabago sa mukha ng rom-com movies.